Chapter 5

1.1K 34 1
                                    

CHAPTER 5

HINDI MAALIS ang mga buong atensyon ni Sanie sa ginagawa niya. She's busy writing down some important details on her notebook while listening to the board meeting's topic.

May meeting kasi ngayon at kailangan niyang maisulat lahat ng importanteng detalye na sinasabi ng mga board members. Mababakas sa mukha niya ang pagod pero mas naaawa siya sa boss niyang mababakas sa mukha ang stress.

Ang dami-daming suhestiyon ng mga board members kesyo sa dagdagan ang branch sa ibang bansa. Hindi ganoon kadali iyon dahil kailangan iyon pag-isipan ng mabuti.

"The meeting is over." Wika ni Xylyx na halata sa boses ang stress. Siya naman ay nakahinga ng maluwang. "You may leave."

Tumayo siya sa kinauupuan at nag-unat dahil pakiramdam niya ay sumasakit na ang likod niya. For two hours, she just seat at the corner while seating and listening about their arguments while she was writing down some important details.

Pinaikot-ikot niya ang kamay niya na ginamit niyang pansulat dahil nangangalay na iyon. Napatingin siya kay Xylyx nang malakas itong napabuntong hininga.

"Lalo kang pumapangit kapag stress ka." Aniya. Napatingin ito sa kanya. "Ngumiti ka na lang."

"I'm not in the mood for your silly jokes."Wika nito saka napasandal sa swivel chair nito habang hawak ang nuo. "I want to rest."

"You should take some rest." Aniya saka inayos ang gamit pati na rin ang suot. "Maaga akong uuwi ngayon. May birthday pa tayong pupuntahan mamaya kaya magpahinga ka na."

Naglakad na siya patungong pinto at hahawakan na sana niya ang doorknob nang bigla siyang maunahan ng binata.

"Sabay na tayong umuwi." Anito saka naunang lumabas mg conference room kaya naman agad siya ritong sumunod ng lakad.

"May pupuntahan pa ko bago umuwi kaya mauuna na ko sayo." Wika niya saka nilapitan ang mesa niya at kinuha ang shoulder bag. "Bye, Sir Xylyx. Ingat ka."

"I'll pick you up later." Pabahol nito sa kanya kaya naman itinaas na lang niya ang kamay at sumakay na sa elevator.

NANG MAWALA sa paningin ni Xylyx si Sanie pumasok siya sa opisina niya at saglit na nagpahinga sa sofa na nasa loob ng opisina niya.

Pahiga na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya kaya agad siyang napatingin doon at napabuntong hininga nang makitang pumasok ang kapatid niyang ubod ng arte.

"Anong ginagawa mo dito, Xyrin?" Tanong niya sa kanyang kapatid. Umayos siya ng pagkakaupo sa sofa. "May kailangan ka?"

"Yup." She answered popping the 'p'. Umupo ito sa pang isahang sofa at tumingin sa kanya. "I need my car right now."

"What?" Gulat niya tanong rito. "Anong gagamitin kong sasakyan para mamaya?"

Her eyebrows furrowed. "Why? Did Vaile invited you to her party?"

"I'm her friend, kaya malamang imbitado ako." Aniya at tinignan niya ito ng masama. "You still have your other car, right?"

"Yes, but it broke down on my way to studio." Sagot nito habang tinitignan ang dulo ng kuko. "So i need to use my car you borrowed from me."

He sigh. "Ano namang gagamitin ko?"

"Bakit kasi hindi mo na lang gamitin yung kotse mo at nanghihiram ka pa sakin?" Kunot nuong tanong nito na may masamang tingin sa kanya. "You have your own car yet you want to barrow mine. Kung ayaw mong gamitin ang kotse mo makisakay ka sa mga kaibigan mo, just give me back my car."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now