Chapter 1

1.4K 45 3
                                    

CHAPTER 1

KUNOT NA kunot ang nuo ni Sanie habang isa-isang binabasa ang mga laman ng folder na ipapasa niya sa amo niyang ubod ng tamad sa trabaho. Kailangan niya munang basahin ito lahat bago niya ito ipasa para mapirmahan ng tamad niyang amo.

Nang matapos niyang mabasa ang pinakahuling laman ng panghuling folder, iniunat niya ang likod at dahan-dahang minasahe ang batok.

Napabuga siya ng hininga bago siya tumayo at isa-isang inayos ang folders saka pumasok sa opisina ng tamad niyang amo. Kumatok muna siya ng dalawang beses bago binuksan ang pinto saka pumasok.

Hindi na siya nagulat nang makitang nakasandal lang ang amo niya habang nakapikit. Umirap siya sa hangin saka lumapit sa table nila at malakas na binaksak ang mga folders sa ibabaw ng mesa nito dahilan para magulat at magising ito.

"Sarap ng tulog natin, Sir Xylyx, ah." Sarkasmong wika niya at binigyan ito ng nakakamatay na tingin. "Habang ako busy kakabasa ng mga papeles na kailangan mong pirmahan, ikaw naman mahimbing na natutulog dito."

"Don't be like that, Sanie." Wika nito at umayos ng pagkakaupo. "Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos kaya bumabawi lang ako ngayon."

"Dito mo pa talaga naisipan na bumawi ng tulog." She tsked. Nilapit niya rito ang mga folders saka pinagkrus ang braso sa dibdib. "Nabasa ko na lahat yan habang natutulog ka. Pirma na lang ang kailangan. Pero itong may red clip kailangan mong basahin kasi importante yan. Tapusin mo na yan."

"Ang dami nito. Tingin mo matatapos ko 'to lahat?" Reklamo nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa folders na nasa ibabaw ng mesa nito. "Can i take this home? I want to sleep, Sanie."

"No, Sir. Kailangan yan ngayon kaya tapusin mo na ng maibalik ko na sa bawat department." She sigh again. "Don't worry, hindi ka naman mamamatay kung tatapusin mo yan ngayon. Bye, Sir."

Hindi na niya ito hinintay na magsalita at lumabas na agad siya ng opisina nito. She sigh then went to her table and order a lunch for her and to her lazy boss. Nang matapos siyang umorder, sakto namang tumunog tumawag ang kaibigan niya.

She smile before answering the call. "Hey, Jay."

"Busy ka ba after work?" Tanong nito. Napairap naman siya dahil alam na niya ang ibig sabihin sa oras na tinanong nito ang tanong na iyon. "Don't you dare lie to me, Sanie."

"Yan ka ka naman, Jay." Aniya at napahilot sa sariling sentido. "Sino na naman ba ang makaka-blind date ko?"

Yes. Her friend always look for a single guy to set a blind date for her. Ang alam niya lang kung bakit lagi siya nitong hinahanapan nh kablind data ay dahil kuno sa malapit na siyang mawala kalendaryo pero single pa rin siya.

Kasalanan niya bang wala pa s isip niya ang pagkakaroon ng kasintahan? Naniniwala siya na sakit lang sa ulo ang dala ng mga lalaki. Hindi lang sa ulo kundi pati sa puso.

"Swerte ka ngayon kasi nakahanap ako ng foreigner." Sagot nito na ikinalaki ng mata niya. "Nagset na ko ng place and time ng meet up niyo. And he agreed."

"Jay, you know that I'm not interested in this kind of stuff, right?" She ask him. "I want to cancel it."

"Akala ko ba gusto mo ng foreigner?" Tanong nito at kahit wala ito sa harapan niya ngayon, alam niyang nakataas ang isang kilay nito. "Nakahanap na ko ng foreigner para sayo pero ngayon ayaw mo naman."

Capturing Her HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora