Chapter 3

1.1K 37 1
                                    

CHAPTER 3

KANINA PA nakatayo si Xylyx sa labas ng opisina niya at ilang segundo na siyang nakatitig sa desk ni Sanie dahil wala doon ang dalaga.

"Where the hell is she?" Tanong niya sa sarili saka pumasok sa loob ng opisina niya saka deretsong tinungo ang mesa saka naupo sa swivel chair niya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa sa suot niyang slacks saka tinawagan ang dalaga. After two rings, Sanie answer. "Where are you?"

"Good morning, Sir Xylyx." Masayang bati nito at mukhang maganda pa ang gising kaya naman lalong kumunot ang nuo niya. "Napatawag ka?"

"Where the hell are you, Sanie?" Ulit niyang tanong rito. "You're late. Mas nauna pa ako sayo dito sa office."

"Nakalimutan ko palang sabihin sayo na hindi ako makakapasok." Anito na ikinalaki ng mga mata niya. The fuck? "I want  to take a day off. Thank you, Sir Xylyx. Goodluck."

"What the fuck are you--"

"Naayos ko na rin sa table mo ang mga kailangan mong pirmahan at basahin. Yung ibang papers nasa second drawer mo. Just call Janice if tapos mo na lahat at siya magbibigay niyan sa bawat department." Mahabang wika nito pero ni isa wala naman siyang naiintindihan. Ang tanging nasa isip niya lang ay magta-trabaho siya ng mag-isa. Walang tutulong sa kanya. "Understand, Sir Xylyx? Good. Goodluck, bye."

Rinig niya ang malakas nitong pagtawa bago nito binaba ang tawag. He's gonna work his ass off while his secretary is resting?! Fucking unfair.

Agad siyang napatingin sa cellphone niya nang tumunog iyon. Its a message from Sanie.

From Sanie:

That's what i feel everytime you're absent. Goodluck.

Hindi niya maalis ang paningin sa message na iyon ng dalaga. He's the boss so he can be absent everytime he wants, right? And its not his fault if he woke up feeling lazy and don't want to go to work.

"Fuck this shit." Habang hawak ang sariling sentido, kinontak niya ang kaibigan para humingi ng tulog. He need this fucker this time. In just one ring, Niko answer. "I need your help."

"Mukhang totoo ang sinabi ni Adiene, you'll need my help soon. And that's today." Natatawang wika nito na ikinainis lang niya. If this fucker knows how much he wants to kill him, sigurado siyang hinding-hindi na ito magpapakita pa sa kanya. "How can i help you, buddy?"

"Come to my office now." Aniya saka muling tinignan ang mga tambak na papeles sa mesa niya. "Get your ass here."

Pinatay na niya ang tawag at  sinimulan ng basahin at pirmahan ang ibang papeles. Ano bang nagawa niyang kasalanan noon at grabeng parusa naman ang natanggap niya ngayong araw.

Minutes later, the door of  his office open showing his most annoying friend. May ngiti ito sa labi habang naglalakad palapit sa kanya. 

"You said you need my help, yeah?" Nakangiting wika nito nang makalapit ito sa table niya at naupo sa visitor's chair. "What kind of help is it?"

"I need your help with this." Aniya at iminuwestra ang kamay sa nagkalat na mga papeles sa mesa niya. "I want you to help me read all of this shit and tell me if anything is wrong. You're also a businessman, though, so i know you can help me."

"Buddy, seriously, alam mo naman kung gaano ako katamad, right?" Anito habang nakatingin sa mga papeles niyang nagkalat. "Well, maybe i can help you, but in one condition."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now