Chapter 11

909 25 0
                                    

CHAPTER 11

"WE'RE HERE." Anunsyo ni Lucas nang makarating sila sa patutunguhan nila. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pinto at kusa siyang lumabas. "Tara."

"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong niya habang nakatingin sa maraming tao na naglalakad sa malawak na parke.

"Because this is my favorite place." Nakangiting sagot nito at tumingin sa mga taong masayang naglalakad. "This is the place where i relieve my stress."

"Seryoso ka?" Natatawang tanong niya rito. "Paano naman mawawala ang stress mo e ang daming tao dito?"

"I don't know. Maybe the happiness on people's faces is my stress reliever." Anito at napatitig naman siya rito. "Masaya ako basta makakita ako ng taong masaya."

Napatango-tango siya saka hinila ito paupo sa pinakamalapit na bench sa kinatatayuan nila. Hindi sila kalayuan sa mga taong masayang naglalakad at ang iba naman ay nakaupo sa damo habang masayang nag-uusap.

"Sabi sakin ni Ned nakilala ka raw niya sa isang website?" Tanong niya at tumingin ito sa kanya. "Saang website?"

"You know, sa mga dating website." He answer with a shrugged.

"Ano namang ginagawa mo sa dating website na yan?" Natatawang tanong niya. Hindi niya alam na hanggang ngayon pa rin pala ay may mga tao pa rin na umaasang makikita nila ang true love sa mga dating website. "Are you looking for a lover."

"Yeah." Sagot nito at malamlam na ngumiti. "I want to find someone who can love me like how i love her."

"And you think na makakahanap ka sa website na yan?" Tanong niya at tumango naman ito. "Lucas, hindi mo na kailangan niyan. Gwapo ka naman at mabait, kahit saan ka dito magpunta alam kong makakahanap ka rin."

Lucas is really handsome. Matangos ang ilong, may kakapalan ang kilay, brown eyes at maayos rin ang tindig ng katawan nito. Pero bakit hindi siya attracted?

"Its fun looking for a lover in a website like that." Wika nito at bigla namang kumunot ang nuo niya. "Madami akong nakilalang kaibigan sa mga ganyang website. Isa na doon si Ned."

"Speaking of Ned, alam mo ba ang reason kung bakit siya napadpad sa dating website?"

"Sabi niya lang sakin noon gusto niya lang subukan." Sagot nito at napatango-tango naman siya. "Bakit ikaw hindi mo subukan?"


"Ayoko." Aniya at mahinang natawa. "Wala akong hilig sa ganyan."

"Why? Bitter?" Nakangising tanong nito at napangiti naman siya. "I see. Bitter ka nga."

"Of course not." Agad niyang depensa at natawa. "Wala lang talaga akong hilig. And as of now, wala pa sa isip kong maghanap ng boyfriend."

"Can i ask why?"

She smile. "I still have my plans."

Tumango-tango ito at masaya pa silang nag-usap hanggang sa maramdaman nilang dalawa ang gutom.

"Tara kain muna tayo." Suhestiyon nito sa kanya. "Libre ko na."

Capturing Her HeartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt