SF-14

16.9K 923 220
                                    

Hello.

Since I received comments and messages regarding sa pagbili nila ng soft copy ng Hunter's Temptation because hindi sila umabot before, I am opening up the selling of the pdf copy.

For those who wants to avail the pdf file / epub copy, kindly answer the google form so I can get your details once payment is confirmed. (visit my wall for the link sa form)

PDF copy file is Php 375.

Mode of payment : Gcash / Paymaya / BDO

You may send it to : 09651888649

And yes, this is to support the funding of the HT book.

Thank you.


=======================


"You're not gonna swim?" I asked Jahann. Nakaupo lang siya sa gilid habang nakatingin sa mga kasama namin. Kanina pa siya inaaya nila Alyanna pero hindi siya nagpapaunlak sa mga ito.

"You know I am fine here, right?" natatawang sabi ko sa kanya. Nakasuot ako ng oversized shirt at shorts habang kumakain ng chips sa gilid. Hindi ako sumama na magswimming dahil malamig at wala akong planong sipunin.

Itong mga kasama lang namin ang matitibay ang loob. Kahit na malamig na ang panahon ay nakuha pa ring lumusong.

"I know, and I am more than okay when I am with you, so I will stay here."

I smiled a little and shook my head. Malayo naman ang mga kasama namin kaya tiyak akong walang nakakarinig kay Jahann.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ang casual niya lang sabihin ang mga ganoong bagay sa akin samantalang may mga kasama kami.

Is he not afraid to get caught?

Alam ko na kapag nalaman nila ang tungkol sa amin, magkakagulo kaming lahat. Hindi ko alam paano ko i-eexplain sa kanila kung paano nangyari iyon, paano nabuo si Nikolai. They will surely be mad at me... at us.

Hindi iilang beses akong na-tempt na umoo na sa kanya.

For countless times, I thought of just biting the bullet to be with him, but it's not that easy. Hindi naman kasi sa aming dalawa lang umiikot ang mundo. Maraming tao ang maapektuhan.

"Hey, aren't you going to join us?" tanong ni Airi kay Jahann. Umahon pa ito mula sa pool at lumapit sa aming dalawa. Naupo ito sa tabi ko.

"You two are really closer, no? Buti hindi nagtatampo si Alyanna," natatawang sabi niya bago lumingon sa babaeng nabanggit.

Napangiti na lang ako ng tipid. Mula pagkabata naman, alam ni Alyanna na kami talaga ang malapit ni Jahann.

"Alyanna is close to Cherinna, she's close to me. No need to be envious." Nagkibit-balikat naman si Jahann bago kinuha ang chips na kinakain ko. "Too salty. Drink water, Creep." Inabot niya sa akin ang isang baso na may lamang tubig.

I rolled my eyes. "Hindi naman maalat masyado kaya," sagot ko naman sa kanya. Hindi pa rin naman niya ibinalik sa akin ang chips, sa halip ay ibinigay niya iyon kay Keij.

"He's always like that," nakangiting sabi ni Airi. "I remember noong nasa New York pa kami, he hates it when the restaurant is serving too salty food. Sinusungitan niya pa ang waiter," napapailing na natatawa si Airi.

I just smiled a little. Nakatingin ako kay Jahann na pilit hinihila ni Keij sa pool pero hindi niya magawa dahil hinila rin siya ni Theon pababa.

"You know... I'm envious of you."

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now