SF-27

16.3K 914 275
                                    


None of us were talking. Tahimik lang ang mga kasama namin na nasa loob ng guest room at parang kahit na sino ay walang gustong magsimula ng pag-uusapan. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita, marahil ay dahil natatakot na may masabi silang mali dahil sa nangyari sa amin.

Nasa kwarto niya si Alyanna at naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya kami gustong makasama ngayon. Alam ko na masama talaga ang loob niya sa amin at naiisip niya na rin marahil ang sinabi ni Jahann tungkol sa pagkatao nito.

Nilingon ko si Jahann na tahimik lang na nasa tabi ko. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Hindi niya ako binibitawan.

I never got the chance to ask him earlier. Nang maiwan kami sa living room kanina, niyakap ko lang siya ng mahigpit habang umiiyak ito.

Bumaba lang si Keij kanina kaya umakyat na kami at nagpunta sa kung nasaan sila. Sinabihan ko si Jahann na magpahinga na lang pero tumanggi ito at sumama pa rin sa akin. Sabi niya ay baka mas mailang ang mga kasama namin kung wala ni isa sa amin ni Alyanna ang pupunta sa kanila.

"So... kayo na talaga?" hindi na nakatiis na tanong ni Keij sa amin ni Jahann. Naglingunan naman sa kanya ang lahat.

"Tangina mo, hindi ba obvious? Punta ka kaya kay Tita Mika, tanong mo," ani naman ni Theon na binato ng unan ang lalaki. Napalingon ako kay Keij na sinimangutan si Theon.

Alam ko naman na nakakabigla talaga ang pangyayari. Nakakabiglang tanggapin.

Noong si Theon at Lean, mas katanggap-tanggap pa dahil hindi naman sila magkamag-anak technically. Nahirapan sila noon pero mas madaling matanggap ang relasyon nilang dalawa kaysa ang sa amin ngayon...

Hinawakan ni Lean ang kamay ko at ngumiti siya sa akin. "We're not here to judge you, Che..." simula ni Lean bago nilingon ang mga kasama namin. "We're surprised, yes... magkapatid kasi kayo at--"

"I'm adopted," ani Jahann na nagpatigil kay Lean sa pagsasalita.

"Tangina, hindi nga?" tanong naman ni Keij dito na halatang nagulat sa sinabi ni Jahann. Kahit naman yata sino na sabihan ni Jahann na ampon siya ay magugulat. Hindi aakalain na totoo ang sinasabi nito.

"Jahann..." sambit ko sa pangalan niya habang nakatingin sa lalaki.

Nakayuko pa rin ito. Tumikhim lang muna ito bago nag-angat ng tingin at salubungin ang mga nagtatakang tingin ng mga kasama namin.

"You heard it," he shrugged. "I'm not Jahann Anderson."

"Are you sure about that? Kasi Jahann, ang imposible naman niyan..." ani Lean habang nakatingin sa lalaki. Makikita kay Lean na talagang nalulungkot ito sa nalalaman ngayon. Kanina ay tinanong niya ako kung nasaan si Alyanna. Alam ko na worried din siya para sa kakambal ko.

"Paano mo nalaman na... ampon ka? Kilala mo na ba ang totoong parents mo?" usisa naman ni Airi rito.

Jahann looked at her and shrugged. He looked at my hand and sighed heavily.

"What's your plan now?" Enzo asked him. Nanahimik ang lahat nang magtanong ang lalaki. Bukod marahil sa wala naman ding makapagsuggest sa pwede naming gawin, nasa sitwasyon din kami na masyadong kumplikado ang lahat.

"Fight for Cherinna," diretsong sabi ni Jahann bago tinignan ang lalaki. "I know that you might be against us, but I don't really give a damn about it anymore..."

"Hey..." I squeezed his hand and looked at him. "You should take some rest," sabi ko sa kanya bago nilingon ang mga kasama namin. "Kayo rin, magpahinga na kayo. It's already late," sabi ko sa kanila bago tumayo na rin.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon