SF-10

50K 1.7K 648
                                    

Every Sunday lang ang update po rito sa ngayon. :)


--

I WAS LOOKING outside Jahann's car while he's driving on our way home. It was weird that I can still feel the warmth of his lips on mine. I could still feel the softness of his lips. Hindi nagbago, ganoon pa rin ang pakiramdam ko mula nung unang beses niya akong hinalikan.

Gusto kong mainis kay Jahann sa paghalik niya sa akin pero mas gusto kong mainis na hinayaan ko siyang halikan niya ako.

Hindi ko naman magawang itanggi sa sarili ko na namiss ko siya. I really missed him.

"What are you thinking? Montenegro?" basag ni Jahann sa katahimikan habang binabagtas naming ang daan pauwi sa bahay namin.

I looked at him and frowned. "I was thinking about Nikolai."

He chuckled. "That's good, then."

Mas lalo naman akong napasimangot nang ngumisi siya habang nagmamaneho. Hindi ko talaga maintindihan kung anong trip ni Jahann sa buhay. Hindi pa rin niya ineexplain sa akin kung anong nangyari sa dapat na ka-date niya ngayon.

Kanina ko pa siya kinukulit pero ilang beses na rin niya akong sinabihan na huwag ko ng intindihin ang bagay na iyon. Iniisip ko kung may alam ba si Kol tungkol sa bagay na ito pero sobrang busy naman iyon ngayon kaya hindi ko siya maistorbo.

"Jahann..." tawag ko sa kanya. Inihinto niya naman ang sasakyan nang mag-red light ang stop light at lumingon sa akin.

"Yes, Creep?" tanong niya sa akin. He smiled again and I don't know if he's teasing me or what. He reached my hand and squeezes it. "It's a shame that you need to go home tonight. We can stay there, you know?"

"Jahann!" pinanlakihan ko naman siya ng mata bago binawi ang kamay ko sa kanya. "Nikolai will surely look for me. Sila Mommy rin, hahanapin nila ako."

He shrugged. "You're with me, I don't think she'll be mad."

"Don't try your luck, just continue driving," sabi ko sa kanya bago pisilin ang ilong niya. Mahina naman siyang natawa at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho.

"Wala ka namang pasok bukas, diba?" tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling. Kadalasan naman na kapag wala akong pasok ay nagbabantay lang ako kay Nikolai. Laging nakalaan ang mga araw na wala akong pasok. "I'm gonna spend the whole day with Nikolai," ani ko sa kanya.

"You're gonna spend your whole day with me?" he asked me while a smile is playing on his lips. I looked at him with confusion. "What? Bakit naman kita sasamahan?" seryosong tanong ko sa kanya.

Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa kanya?

Para namang may sinabi akong nakakatawa at biglang tumawa si Jahann habang nakatingin sa akin. "Damn it," patuloy pa rin ang mahinang pagtawa niya. "You're still a little noob, Creep."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jahann. "What? I was just asking you. No need to insult me. Sabi mo I'll spend the day with you when I clearly said I'll spend the day with Nikolai and—" natigilan ako nang makuha ko na ang ibig niyang sabihin at nang makita kong malawak ang pagkakangiti ni Jahann sa akin.

"And?" nang-aasar na tanong niya sa akin.

"I'll spend it with Nikolai. The baby!" nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko at pulang-pula ang mukha ko.

"I'm your baby, too, though," sagot naman niya sa akin.

"Siraulo ka talaga," komento ko na lamang bago lumingon sa labas. Pinigilan ko na lamang ang sarili ko na hilahin ang tainga ni Jahann. He should not say those words carelessly.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now