SF-41

17.2K 995 155
                                    

Follow me on twitter, @vampiremims.

Comment your thoughts. :)


========================================

Nakatingin ako kay Alyanna habang nakaupo kaming dalawa sa may bench sa park malapit sa bahay. Hindi ko rin alam kung bakit ba siya naroon pero kanina, nang makita ko siya ay nakaramdam ako ng tuwa, pero gusto ko ring mainis sa sarili kong nakaramdam ako ng takot sa kanya...

I just know that I caused her pain too much and I hate seeing her crying... I was scared that I did something again that made her upset.

Simula kanina ay hindi ito nagsasalita habang nakatingin lang sa bakanteng parke kung saan kami naroon. Matapos niya akong yakapin kanina habang umiiyak, sinabihan ko na lang ito na lumabas na lang muna kami para naman makahinga ito at makapag-isip isip na rin.

Hindi ko na rin nabalikan pa si Jahann para sabihan ito na kasama ko ngayon si Alyanna, sa tingin ko naman ay maghihintay si Jahann sa bahay, kung hindi man, malamang ay tawagan nito si Kol upang itanong kung nasaan ako.

"Are you mad at me...?"basag ni Alyanna sa katahimikan. Nakayuko ito at magkasaklop ang dalawang kamay. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya sa akin. I am surprised that she thought I was mad at her.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Alyanna. Growing up, she's really the bubbly one. Kasundo nito si Keij at Theon dahil puro sila energetic. Habang tumatagal, si Lean naman ang nakakasundo ni Alyanna dahil nagiging pasaway na sina Keij. She's always the happy one.

Kaya naman masakit sa akin makita si Alyanna na nasasaktan, umiiyak... lalo pa at ako ang naging dahilan.

"I was never mad at you," mahinang sabi ko sa kanya. Nag-aalangan man ay inabot ko ang kamay ni Alyanna at marahan iyong pinisil. "Kailanman ay hindi ako nagalit saýo, Alyanna," muling sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng maliit.

"I know what I did was wrong, nasaktan kita at naiintindihan ko iyon," tinignan ko siya na tahimik lang na nakatingin din sa akin. Gaya ko ay nag-uulap ang luha sa mga mata ni Alyanna.

I missed her...

I missed my twin...

"Hindi ko alam kung... kung ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako, kaya... pinili ko na lang din na lumayo, kasi baka iyon ang kailangan nating lahat..." pinilit kong labanan na huwag mabasag ang boses ko habang nagsasalita ngunit hindi ko rin mapigilan ang mga luhang pilit na kumakawala sa mga mata ko.

"When I found out that I was adopted... inisip ko agad, ikaw... paano ka?" pinisil ko ng marahil ang kamay ni Alyanna at nagyuko. "Growing up, I am always with you, growing up, ikaw ang alam ko na kakambal ko... pero alam ko na mas mahirap ang sitwasyon para sa iyo..." I moved my hand and wiped my cheeks.

"I was selfish..." mahinang sabi ni Alyanna sa akin. Muli naman akong nag-angat ng tingin sa kanya. I saw her tears roll down on her cheeks. "I was so selfish, Cherinna..." she started sobbing.

"Alyanna..." hinawakan ko ang kamay niya at lumapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit niya naiisip ang bagay na iyon dahil kailanman ay hindi ko naisip na makasarili si Alyanna.

"I was so selfish, I just thought about the pain I felt, hindi ko naisip ang pinagdadaanan mo. I added to it, instead of understanding you, making you feel that I am still here for you, I pushed you away..." hindi tumitigil sa paghagulgol si Alyanna habang yakap-yakap ko siya.

I bit my lip hard and closed my eyes as I felt my own tears on my cheeks.

I was hurt, but I tried my best to understand her, because all she felt were valid. Her pain, her anger, everything. Kasalanan ko naman din talaga ang lahat kaya hindi ako kailanman nagtanin ng sama ng loob sa kanya o sa kahit na sino sa kanila.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now