SF-37

19K 1K 204
                                    

Vote. Comment. Follow! :)


======================


Kinabukasan ay maaga pa rin naman akong nagising kahit na halos alas dos na ako ng gabi nakatulog. Marahil ay namamahay pa ako kaya hindi ako mabilis nakatulog sa kabila ng pagod. Tinawagan din ako ni Jahann kagabi hanggang sa bago ako makatulog kagabi.

Nakapagsimula naman na akong mag-ayos ng gamit na dala ko. May mga damit na naroon na sa may closet na nasa loob ng kwarto na binigay nila sa akin. Nang nagpunta si Mrs. Alcantara kagabi sa kwarto ay sinabihan niya ako na ang mga iyon ay para sa akin lahat. Sinabihan niya na rin ako na huwag akong mahihiya kung may kailangan ako o may gusto ako, magsabi lang ako sa kanila. Pero hindi ko naman kayang gawin ang bagay na iyon.

Tumayo na muna ako at inayos ang kama bago kinuha ang damit ko at mabilis na naligo para na rin macheck si Nikolai at makatulong sa mga nakatira roon sa gawaing bahay.

Simpleng t-shirt at shorts lang ang isinuot ko bago ako lumabas ng kwartong inookupa ko. Katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni Nikolai at Ate Mildred. Marahan naman akong kumatok at binuksan ang pinto at sumilip sa loob.

Natutulog pa rin si Nikolai nang tignan ko ito. Si Ate Mildred ay gising na at inaayos ang mga gamit ng anak ko. Lumapit naman ako rito at naupo sa gilid ng kama.

"Gutom ka na ba? Maghahanap ako ng makakain mo sa ibaba," ani Ate Mildred sa akin na agad kong sinagot ng iling. "I'm good, Ate..." nilingon ko si Nikolai na mahimbing ang tulog. Yakap-yakap nito ang unan na ibinigay ni Jahann dito.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Nikolai.

I am happy that they accepted Nikolai with open arms and without any judgements. Tinanggap nila Mr. Alcantara ang anak ko kahit na alam kong pwede silang magalit dahil naging iresponsable ako.

I am sure Nikolai will miss Mommy and Daddy... tuwing gumigising ito, sina Mommy ang laging nakikipaglaro rito bago ito umalis at magpunta sa Blooms.

"Why did you go with us?" tanong ko sa babae habang nakatingin sa anak ko. Mula nang halos isang buwan pa lang si Nikolai ay nakasama na namin ito at ito talaga ang tumitingin sa bata lalo kapag pumapasok ako o kaya ay umaalis kami.

Ngumiti siya sa akin bago nilingon si Nikolai. "Napamahal na kayo sa akin ng anak mo, eh..." Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Alam ko na naiisip mo paano mo ako babayaran," pinisil niya ito ng marahan. "Huwag mo na munang isipin iyon, Cherinna. Hindi naman ako naniningil pa. May tinutuluyan naman akong bahay dahil sa inyo, nakakakain pa rin naman ako, huwag mo na dagdagan pa ang mga iniisip mo."

Tinignan ko ito at nginitian ng maliit. Hindi ko alam kung paano ba ako magpapasalamat sa kanya sa pag-aalaga niya kay Nikolai at sa akin na rin.

"Salamat, Ate Mildred..."

"Wala 'yun," ngumiti naman ito sa akin bago muling tumayo at ipinagpatuloy ang ginagawa nito.

Huminga na lang ako ng malalim bago pinagmasdan pang muli si Nikolai na payapang natutulog. Minsan ay nakakainggit na lang din ito. Gusto ko na lang ding maging bata na walang iniisip na problema... pero kailangan ko pa rin namang harapin ang katotohanan.

Ang realidad. Marahan kong iniling ang ulo upang palisin ang mga bagay na naiisip ko ngayon. Mas mainam pang abalahin ko ang sarili ko ngayon.

Nilingon ko si Ate Mildred at nagbilin na lang ako sa kanya na kung sakaling magising si Nikolai ay tawagin ako para mapadede ko na muna siya. Alam kong nasasanay na si Nikolai na dumedede sa bote gamit ang gatas ko pero hangga't maaari, gusto kong ako rin mismo ang nagpapadede rito.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now