SF-16

17.9K 1K 314
                                    


Hindi talaga pumayag si Jahann na sumakay kami ng cab kaya naman talagang naglakad lang siya pabalik sa bahay na tinutuluyan namin habang pasan ako. He's talking to me while walking, maybe entertaining me so I won't get bored.

Pero hindi naman ako mabobored kapag kasama ko siya.

"We're here!" I smiled at him. Hanggang sa loob ay pasan niya ako, ibinaba niya lang ako sa couch para iupo. Hinawakan niya ang baba ko at iginiya upang magtaas ng tingin sa kanya.

"Are you okay?" he asked me.

I smiled a little and nodded. Napalingon ako sa binti ko na may gasgas at namumula pa rin. Hindi ko mapigilang matawa habang nakatingin dito. "I can't remember the last time I had wounds like this," sabi ko kay Jahann nang lingunin ko ito pero seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"Nothing's funny, Creep," he scoffed. Naupo siya sa tabi ko at inalalayan akong mailagay ang binti ko sa lap niya.

"Wait, careful..." sabi ko sa kanya bago hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa binti ko. Tumango naman siya sa akin ng marahan. "Just stay here and wait for me, I guess they have medicine kit here," ani Jahann bago tumayo ng marahan at naghanap ng medicine kit.

Sumandal na lang ako at huminga ng malalim habang hinihintay siya.

He's very open now...

Hindi ko rin alam kung bakit malakas ang loob ni Jahann ngayon na sabihin na mahal niya ako, na gusto niyang makasama ako. I never got the chance to ask him why.

Unlike Jahann, I'm still full of fear.

Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kasing tapang ni Jahann. Kung kaya ko ba na magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na ginagawa niya.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. I know I can't keep the truth from Jahann. Alam ko na hindi magtatagal, kailangan ko na rin sabihin sa kanya ang tungkol kay Nikolai.

May mga sinasabi siya na tila pahiwatig na alam niya ang totoo pero hindi naman din niya directly sinasabi na anak niya si Nikolai.

I just hope he'll understand and he'll forgive me.

"Hey..." masuyong sabi ni Jahann bago inilapag ang dala sa lamesa at naupo sa tabi ko. Muli nitong ipinatong ang binti ko sa lap niya at kinuha ang bimpo na nasa may tubig na maligamgam at pinunasan ang mga galos ko.

"Does it hurt?" he asked while cleaning it. Marahan lang ang pagdampi niya ng bimpo sa binti ko na tila ingat na ingat para hindi ako masaktan. Hindi ko mapigilang mapangiti.

I moved my hand and gently caressed his hair. He looked at me and smiled a little. Hinawakan niya rin ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Baliw ka talaga," natatawang sabi ko sa kanya. He just chuckled and continued cleaning my wounds. Mahigpit ang hawak ko sa braso niya nang lagyan niya iyon ng alcohol at ointment.

"It'll have bruises but I don't think it will leave a scar on your leg," ani Jahann bago hinalikan ang noo ko. Iniligpit na muna nito ang ginamit bago bumalik sa tabi ko.

"Why don't you rest in your room? I'm fine here..." sabi ko sa kanya pero umiling naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"It's just the two of us here and you want me to leave and rest alone? Nah. Thanks, but no thanks, Creep. I'll stay here... with you."

He squeezed my hand and played with my fingers.

"Can we just stay here?" ani Jahann maya-maya bago tumingin sa akin. "Let's just stay here... away from everyone. Kapag tayo lang, hindi ka natatakot. Napapakita mo na mahal mo ako..."

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now