SF-12

44.3K 1.8K 1.2K
                                    

I start kissing him back. Parang may mga sariling isip ang mga kamay ko at niyakap si Jahann. This feels so wrong in many levels, but hell... it feels so right to be with him.

I felt him smile against my lips, he pinned me more on the wall... lumayo siya ng kaunti sa akin at tinignan ako sa mukha. "You have no idea how much I missed kissing you..." mahinang sabi ni Jahann sa akin.

Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. I bit my lower lip and looked at his lips. I missed him, too. Siguro ay kung maririnig ako ng ibang tao, sasabihan nila ako na nababaliw na ako dahil sa nararamdaman ko.

Alam ko naman. This is crazy. I am crazy.

But what can I do? Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko ang totoo...

Mahal ko pa rin si Jahann. Hindi ako tumigil na mahalin siya kahit pa nagkalayo kaming dalawa.

He smiled a little. "Just like before, a lot of things are running inside your head..." he moved his hand and caressed my cheek. "Can you at least for one second... just focus on me? Just on me, Creep..."

"I am focusing on you..." I pouted a little. I am really focusing on him... hindi ko lang naman din kasi maiwasan mag-isip ng ibang bagay tungkol sa aming dalawa...

"Can you stop hanging around Montenegro? He's such an eyesore."

"Jahann!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Wala naman kayang ginagawang masama sa'yo 'yung tao. He's just doing his part, hindi ko siya pwedeng pagbawalan dahil magtataka sila Mommy, isa pa, dahil na rin kay Nikko." I looked at him. Isa pa iyon sa mga iniisip ko. Minsan ay nagpapakita siya ng sign na alam na niya ang totoo, kung minsan naman ay parang napaka inosente niya at wala siyang alam sa mga nangyayari.

He scoffed and pecks on my lips. "Reasons. Pasalamat ka mahal kita."

I smiled at little at him. "Thank you, then." Kahit papaano, masaya ako na ganito kami ni Jahann ngayon. Hindi ko alam kung gaano katagal pero masaya ako na ganito kaming dalawa ni Jahann sa ngayon. Ineexpect ko naman noon na hindi niya ako papansinin... hindi naman niya talaga ako pinansin noon, pero ngayon... we're almost back to normal...

"Not funny, Creep." Nakasimangot na sabi niya sa akin. I just smiled at him. Nagkusa na ako na yakapin siya at isandal ang pisngi ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"You know that Alyanna will kill us both if we stay here, right?" nakangiti kong sabi sa kanya.

He groaned and kissed my head. "Fine."

I looked at him and smiled. "Let's go?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bago mabilis na nagnakaw ng halik na naman sa akin. Hinampas ko naman siya ng marahan sa braso bago kami lumabas ng library.

Sabay na kami ni Jahann nagpunta sa restaurant na sinabi ni Daddy. Habang nasa biyahe kami, hawak-hawak ni Jahann ang kamay ko na para bang may aagaw sa akin mula sa kanya.

Nang makita ko naman sila Mommy ay naglakad ako papalapit sa kanila at humalik sa pisngi nito maging sa Daddy namin. Nandoon na si Alyanna na ngiting-ngiti sa akin. "Dito ka, twin!" aya niya sa akin.

Nakita kong napasimangot si Jahann pero wala naman itong ibang nagawa nang maupo ako sa tabi ni Alyanna.

"What is it? You're smiling and it's scary," natatawang sabi ko sa kanya. She rolled her eyes and looked at me. "Mom and Dad agreed that we should do a welcome party for Jahann!" tumingin siya kay Jahann kaya naman pati ako ay napatingin sa lalaki.

"What?" tanong ko kay Alyanna. Hindi ba masyado ng late? Ang tagal ng nandito ni Jahann, eh.

"You don't have to bother yourself, Aly," ani Jahann sa katabi ko. Napalingon ako kay Alyanna na bahagyang napasimangot naman. Alam ko naman na gusting-gusto ni Alyanna mag-organize ng mga ganito.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now