SF-23

14.9K 805 215
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si Alyanna. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa nalaman tungkol sa amin.

Tinignan ko si Jahann at binitiwan ang kamay niya at sinundan si Alyanna na lumabas mula sa kusina. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya ngayon na nakita niya kami. Hindi ako handa sa bagay na ito. Hindi ko lubos akalain na makikita niya kaming dalawa ni Jahann ngayon.

She heard us. She saw us. Alam niya na ang tungkol sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung handa na ba ako ngayon na malaman ng lahat ang tungkol sa aming dalawa ni Jahann.

Yes, I will fight for him. I will fight for us, but I am not ready... sa palagay ko naman din ay kailanman ay hindi ako magiging handa. Kahit anong gawin kong pagpapalakas ng loob ko ko, hindi kailanman ako magiging handa sa bagay na ito.

Kailangan lang na harapin ko ito dahil kami naman ang may gawa nito.

I saw Alyanna leave the house. It was still raining outside. Malakas pa rin ang ulan dahil na rin sa bagyo. Hindi man lang ito nagdala ng payong o ano. Naglakad lang ito sa ulanan.

I know she's shocked, she probably didn't know what to think right now. Hindi naman normal na pagkakataon ang makita mo ang mga kapatid mo sa ganoong eksena.

Hindi naman normal na mahulog ang loob mo sa kapatid mo.

Mali! Sobrang mali.

Kaya kahit na umaasa akong maintindihan niya kami, naiintindihan ko naman kung bakit masama ang loob niya ngayon. Kung bakit siya nagagalit sa amin.

"Aly!" I called her but she just ignored me. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad papalayo sa bahay namin.

Mas binilisan ko pa ang lakad para abutan siya. Pareho kaming basa na ng ulan pero parang wala lang ang bagay na iyon sa kanya. It was as if she just wanted to get away from us... from me...

"Aly, please, kausapin mo ako..." hinawakan ko ang braso niya pero tinabig niya ako at tinignan ng masama.

"Don't touch me!" asik ni Alyanna sa akin.

"Alyanna, please listen to me... pakinggan mo muna ako..." pakiusap ko sa kanya habang pilit na hinahawakan ang kamay niya.

"How will you explain that, huh? May relasyon kayo? Ikaw at si Jahann! Nahihibang na ba kayo?" sigaw niya sa akin habang nakatingin ng masama sa akin. Muli nitong binawi ang kamay mula sa akin at tinulak ako papalayo sa kanya.

Naiintindihan ko naman ang galit na nararamdaman niya. Aside from hiding it, it's really wrong.

"Aly..." I bit my lower lip as I felt my eyes heating. Hindi ko na rin napigilan ang paglabas ng mga luha ko dahil ako man ay nasasaktan ngayon na nasasaktan ko si Alyanna.

She's mad and her anger is valid.

We grew up together. Hindi niya lubos akalain na magkakaganoon kami ni Jahann. Alam ko na halo-halo ang nasa isip ni Alyanna ngayon dahil kahit naman sino ay mabibigla sa nangyari.

Mabibigla sa totoo.

"Please... just try to listen to me and--"

"And what?" she laughed mockingly. Pinunasan niya ang pisngi niya habang nakatingin sa akin.

I know that she's crying, too.

"Ipapaliwanag mo sa akin paano ka nagkagusto kay Jahann? Cherinna, gumising ka nga. Kapatid mo siya!" muli niyang sabi sa akin. "Fuck!" malakas na sigaw niya bago muling naglakad papalayo. Alam ko na wala itong planong puntahan, walang direksyon, gusto niya lang na makalayo.

PBF 2: Serpentine FateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant