SF - 11

55.6K 1.9K 837
                                    


Nakatingin lang ako kay Jahann habang abala ito sa pakikipaglaro kay Nikolai. It was as if he like what he's doing. Hindi naman na ako tumutol sa gusto niyang gawin dahil binabara lang niya ako tungkol sa pagdalaw ni Ian.

Napalingon ako kay Ian na nakaupo sa tabi ko at pinanunuod si Jahann at Nikolai. Kanina ay nilapitan niya ang anak ko para makipaglaro pero sinungitan lang ito ni Jahann kaya nakuntento na lang si Ian na panuorin ang dalawa.

"He liked playing with Niko," kumento ni Ian. Tumango naman ako sa kanya. Hindi naman alam ni Ian ang totoo kaya hindi na ako nagpaliwanag sa kanya. Sa lahat naman, si Kol lang ang nakakaalam ng totoo at mas mainam na iyon kaysa malaman pa ng iba.

Kung 'yung hindi nga magkamag-anak, nahirapan na silang intindihin, paano pa kaming dalawa ni Jahann?

"He missed his time playing with him before. Nasa New York siya noon, diba?" sabi ko na lang kay Ian na ikinatango niya sa akin. Kahit naman kasi sabihin ko kay Ian, hindi ko sigurado kung maiintindihan niya ba ako.

Maya-maya ay tinawag ako ni Jahann kaya naman nagpaalam na muna ako kay Ian at lumapit kay Jahann at Nikolai.

"Gutom na siya?" tanong ko kay Jahann habang nakatingin sa anak ko na itinataas ang kamay na parang inaabot ako.

"Not really, he just want you here and not there," sabi naman ni Jahann sa akin. Tinignan ko siya at sinimangutan.

Alam ko naman na nagseselos siya. Sinabi niya iyon sa akin kanina pero wala naman siyang dapat na ikaselos kay Ian. He's just here because of Nikolai. Gusto man niya ako o hindi, alam ko naman na hindi na magiging kami at malinaw naman iyon kay Ian.

"Are you gonna cook our lunch today?" tanong ko na lang sa kanya sa halip na pansinin pa ang sinabi niya sa akin. Wala sina Alyanna ngayon dahil nagyaya si Lean na lumabas kaya sinamahan na muna niya.

"Yes, kaya paalisin mo na ang bisita mo," sagot niya naman sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama. "Jahann," tawag ko sa kanya. "Wala namang ginagawang masama si Ian, eh," sabi ko sa kanya.

"Pagtanggol mo pa," sagot ni Jahann na nilalayo sa akin si Nikolai kapag hinahawakan ko ang kamay ng anak ko. Hindi ko naman mapigilang matawa.

"Para kang bata, mas baby ka pa kay Nikolai, eh," puna ko sa kanya.

He shrugged and looked at me. "Baby mo pa rin," sagot niya naman sa akin.

"Jahann!"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "What?"

"Siraulo ka," saway ko sa kanya. I don't know what's with him and he's saying things like that out loud. Hindi na ba niya iniisip ang sasabihin nila Mommy kung sakali?

Mabuti na lang talaga at wala ang mga kasama namin ngayon dito sa bahay.

"Take care of Nikolai now, I'll prepare our food," lumapit siya sa akin at inabot sa akin ang anak ko. Tumango naman ako sa kanya.

"Behave, Creep," ani Jahann na kinakunot ko ng noo sa kanya. "Don't feed him here, okay?" sabi nito bago tumayo at naglakad papasok sa kusina.

Napailing na lang ako sa kanya at hinayaan siyang magluto. Tila iyon naman ang hinihintay ni Ian dahil nang makaalis na si Jahann ay lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Finally, time with Daddy Ian, Niko..." nakangiting sabi niya bago hinahawakan ang kamay ng anak ko. I just smiled a little. Kung meron man akong gusto kay Ian, iyon ay sobra siyang maalaga kay Nikolai.

He's really treating him as his own.

Pero kagustuhan ko pa rin na kung lalaki na si Nikolai at makakapagsalita, Daddy Ian ang tawag nito sa lalaki. Hindi daddy lang gaya ng nirerequest ng lalaki.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now