SF-1

107K 2.3K 467
                                    

--

MABILIS akong bumaba ng sasakyan nang maihinto na ito ni Kol sa labas ng gate ng bahay namin. Kagagaling lang namin dalawa sa school dahil sinamahan niya akong mag-enroll.

I stopped for one year, dahil na rin sa nangyari at kailangan ako ng anak ko. Pumayag naman sila Mommy at iyon naman ang napagkasunduan, babalik ako sa pag-aaral kapag pwede na.

“Wala ka pang anim na oras na nawalay sa kanya, calm down, Cherinna,” narinig kong sabi ni Kol nang bumaba ito sa sasakyan nito. Ngumiti ako sa kanya at binuksan ang gate. “I miss him, already…” sagot ko naman. Napailing na lamang ito bago isinara ang pinto ng sasakyan at sumunod na sa akin. Hindi na niya ipinasok ang sasakyan dahil aalis din ito kaagad.

“You know what, you should really calm down…” aning muli ni Kol habang naglalakad kaming dalawa papasok ng bahay. Dala nito ang cake na binili namin sa Sweet Desire bago umuwi.

“Kol, I’m really fine. Hindi naman na ako kasing clumsy ko dati, besides, may anak na ako, oh? Alangan namang madapa-dapa pa ako rito, dinaig ko pa anak ko ‘non…” sinabayan ko iyon ng pagtawa.

“Whatever you say, just take care, alright?” sabi nito na pinagbuksan pa ako ng pinto papasok. Ngumiti naman ako sa kanya at agad na pumasok sa loob.

“Ate Mildred, si baby?” tanong ko kay Ate Mildred nang maabutan ko siyang nililigpit ang gamit ng anak ko.

“Nasa may garden po, Ma’am. Kasama ang mommy mo,” magalang na tugon naman nito sa akin. Si Ate Mildred ay kinuha ni Daddy para katulong ko sa pag-aasikaso sa anak ko. I’m really thankful to have her since wala naman akong alam talaga sa pag-aalaga sa bata. She’s teaching me how since she’s a nurse. Katulong ko rin si Mommy sa pag-aasikaso sa anak ko.

“Tara sa garden?” aya ko kay Kol na agad namang sumunod sa akin.  Naabutan ko si Mommy na nakaupo sa may damuhan na sinapinan nila ng tela katabi si Daddy at nilalaro ang anak ko.

“I’m home,” I announced my presence. They both looked at me and smiled. Maging ang anak ko ay napatingin sa akin at ngumiti.

“Nakapag-enroll ka na?” tanong sa akin ni Mommy nang tumabi ako sa kanya. Tumango naman ako bilang tugon. “Tinulungan ako ni Kol, Mom, para mapabilis…” natatawa kong sabi. Umupo naman ito sa silyang naroon at inilapag ang cake sa may lamesa. Kahit naman noon pa, si Kol ang katulong namin sa pag-eenroll. Mas mabilis kasi ang pagprocess kapag siya ang kasama, noong dating si Keij ang kasama namin, inabot kami ng halos isang oras sa cashier, ang sabi niya ay mahaba ang pila, iyon naman pala ay student assistant ang nasa counter at nakipag-usap pa roon.

“Thank you, Kol, for helping Cherinna," sabi ni Daddy rito nang lumingon ito sa kinauupuan ni Kol. Tumango naman si Kol at nagsabi ng walang anuman.

“Kol, is it true that you asked Kuya Hunter to have your own condo?” tanong ni Mommy kay Kol habang kinakarga ang anak ko.

Bago pa man makasagot si Kol ay nagsalita na ulit si Mommy. “Para kang pinsan mo. Maayos naman ang bahay, okay naman, walang problema, hindi ko malaman sa inyo, bakit gustong-gusto niyong bumukod na…” iiling-ling na sabi nito. Nakita ko namang napangiti si Daddy dahil sa sinabi ni Mommy.

Alam ko naman kung anong tinutukoy niya… sinong tinutukoy niya.

Hindi na lamang ako kumibo at hinawakan ang kamay ng anak ko. Napangiti ako habang nakatingin sa mukha nito. He’s really cute. Ang taba-taba ng pisngi niya, halatang hindi nagkukulang sa kinakain at gatas dahil na rin laging nandirito si Mommy sa bahay. Hanggang ngayon naman ay nagbbreastfeed pa rin siya sa akin kung minsan.

“Tita, I just want to live on my own. Halos araw-araw pa rin naman akong nagpupunta sa bahay, pumayag din naman na si Dad,” Kol smiled at my mom.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now