SF-44

17.5K 965 200
                                    

Why ayaw niyo comment? Patapos na ito po, ih. :(


======================


"What is she doing here?" tanong sa akin ni Jahann habang nasa kwarto ko namin kaming dalawa at nakatingin ito kay Nikolai na natutulog na. Ginabi na rin naman kami ng dating dahil nagstay pa ako sa bahay nila Mommy bago kami nagkasundo na umuwi na kanina.

Hindi ko pa rin naman alam kung ano ba ang ginagawa ni Camilla sa bahay namin ngayon. Alam ko na kapatid ito ni Daddy Hugh at dapat na igalang ko ito at tawaging Tita or Auntie pero hindi ko magawa ang bagay na iyon.

I can accept Alyanna's anger and slaps, but I can never accept her.

She was still in the wheelchair when I saw her. Hindi ito ngumiti nang nakita ako pero ngumiti ito kay Jahann. Maybe because he looks like daddy and we all know that she likes him.

Actually, she's obsessed with daddy.

Naupo na lang ako sa kama ko habang nakatingin kay Jahann na nakatayo sa gilid ng crib ni Nikolai. Kahit pa iniisip ko rin ang pagdating ni Camilla sa bahay namin, hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin ako kay Jahann at kay Nikolai. Nikolai got his dad's face. Marami ang nagsasabi ng bagay na iyon lalo kapag nakita nila ang baby pictures ni Jahann.

"I am not comfortable that you'll live on the same roof with her. Why don't you and Nikolai stay with us again? You and mom are okay now, I don't see any reasons why you should stay here..."

Natawa naman ako ng marahan bago hinubad ang jacket niya na suot ko at isabit iyon sa may likod ng pinto ng kwarto ko. Itinali ko na lang din ang mahabang buhok ko bago lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.

"It's not that easy, Jahann..." mahinang sabi ko sa kanya. Nakasandal ang pisngi ko sa likod niya habang yakap-yakap ko siya. Hinawakan niya naman ang magkasaklop naming mga kamay at nilaro-laro ang mga kamay ko.

"They are family..." sabi kong muli sa kanya. Alam ko naman na kung si Jahann ang papipiliin, mas gusto niya na roon na lang kami kung nasaan siya pero hindi lang naman sa aming dalawa umiikot ang mundo.

Marami na ang involved.

Marami ang kasali.

Magkaiba kami ng pamilya kaya naman kailangan din namin silang irespeto.

Isa pa, nagiging maayos naman na ang relasyon ko kina Mommy Hannah at Daddy Hugh, ayoko naman na agad masira iyon at iwan sila.

"We have our own family already, baby," sabi naman ni Jahann at kahit na hindi ko nakikita, alam kong nakasimangot siya. He's always like that.

Very understanding of me.

He respects my decision even though he doesn't like it. He will always adjust for me.

"We're okay here. Kami ni Nikolai. Wala namang mangyayaring masama sa amin rito. I can always lock the door and Daddy Hugh is here. I don't think he will let anything bad happen to us..." sabi kong muli sa kanya.

Hindi naman kumibo si Jahann. I could feel him caressing my ring finger, he's not talking, though.

"I love you..." mahinang sabi ko sa kanya nang hindi pa rin siya magsalita. Nilingon niya naman ako at ngumiti ako sa kanya. "Don't worry too much about us, okay? We're okay here..." dagdag ko upang bawasan ang pag-iisip niya tungkol sa kalagayan namin ni Nikolai.

He sighed and shook his head, he moved his body to face me and held me by my waist. Tinitigan niya ako sa mga mata at muli akong nalulunod sa paraan ng pagtitig ni Jahann sa akin.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now