SF-36

18.1K 1.1K 212
                                    

Vote, comment and follow! :)

Last 15 chapters. :)


================

"Cherinna..."

Nag-angat ako ng tingin kay Daddy habang sukbit ang bag ko. Nilingon ko si Ate Mildred na nasa may pinto at akmang lalabas na. Karga nito si Nikolai at nang sabihin ko rito na aalis na kami ni Nikolai, hindi ito nag-atubili na sabihin sa akin na sasama siya sa aming dalawa.

Sinabi ko sa kanya na hindi naman kailangan at isa pa ay hindi ko naman na siya kayang bayaran. Putol naman na rin ang mga cards ko kaya hindi ko alam kung paano ko ba siya suswelduhan.

Naisip ko na rin ang bagay na iyon habang nag-iisip ako na sumama na sa tunay na pamilya ko. Kailangan kong magtrabaho kaya baka huminto na lang muna ako ulit sa pag-aaral para masuportahan ko rin si Nikolai.

"Mauna na kayo, Ate Mildred," sabi ko sa babae bago ibinabang muli ang bag ko.

Si Jahann naman ang naglalagay ng gamit ko sa sasakyan nito dahil ihahatid niya kami ngayon. Alam kong hindi niya gusto ang nangyayari pero hindi naman na rin siya nagprotesta pa lalo nang sabihin ko sa kanya na alam kong iyon ang makakatulong sa aming dalawa.

Kailangan ko rin namang makilala sila Mr. Alcantara, kailangan din ni Nikolai na makilala sila... makasama sila.

Tumingin ako kay Daddy at ngumiti ng tipid. "I'm sorry, Daddy..." mahinang sabi ko sa kanya. "I know that you and mom are still not okay and I know it's my fault and--"

"It's not your fault, Cherinna. It's mine," naglakad ito at hinawakan ang pisngi ko. "I should be the one saying sorry to you. I am the one who put you in this situation and I know you're having a hard time dealing with it..." huminga ito ng malalim. "You don't have to leave, you know that, right?" he asked me again.

Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya. Kung tutuusin ay wala naman talaga sa kanila ang nagsabi na umalis ako. Ako ang nagdesisyon sa bagay na iyon dahil sa palagay ko ay iyon naman talaga ang tamang gawin.

Airi won't be able to move freely, she'll feel uncomfortable with me around here, too. Ganoon din naman ako dahil alam naman na namin ang totoo.

Ako na lang na ang nag-initiate na umalis at makasama sina Mr. Alcantara...

"I'm not blaming you, Daddy..." I cleared my throat. "Alam ko na ginawa mo po 'yun kasi mahal na mahal mo si Mommy at hindi mo gusto na masaktan siya..." hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko nang makita ko ang pangingilid din ng luha sa mga mata ni Daddy. "You've been through a lot, too. You were alone in finding Airi, you kept it to yourself and I know it tortured you, too..."

Umiling ito at tumingin sa akin. "I deserve those things because of what I did, but you? You don't deserve to feel this pain, Cherinna. I am so sorry," sabi niiya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. "I'm sorry..."

I hugged him tight as I let myself cry again. "I'm not mad, Daddy... I am actually really thankful..." lumayo ako ng kaunti at tinignan ito. Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng pag-iyak ko. Alam ko naman na nahihirapan din siya sa nangyayari at ayoko na ring makadagdag pa roon. Ayoko na mas maging dahilan pa ako para mag-away sila ni Mommy...

"I am thankful to you, Dad... growing up, I felt the love... naramdaman ko na minahal niyo ako at hindi naging iba ang turing niyo sa akin..."

"Cherinna..."

"And I'm sorry, too... Alam ko na hindi kayo naging masaya sa mga ginawa ko, sa mga naging desisyon ko, pero tinanggap niyo pa rin ako. I'm really sorry, Dad..."

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now