SF-2

58.2K 1.8K 393
                                    


“CHERINNA, what time are you going home later?” hustong nakababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Alyanna. Mamaya pang 10 am ang klase nito kaya naman hindi pa ito nakakapag-ayos. Nasa may sala ito habang nakaupo sa may sofa at may kausap sa cellphone, malamang ay si Keij na naman iyon at nagbabalak na naman ng kung saang gala ang dalawang ‘to. Napailing na lang ako ng marahan.

“Uuwi ako agad after class, bakit?” tanong ko nang lumakad papalapit sa kanya. Naroon din si Nikolai na pinapakain ni Ate Mildred. “Hi, baby…” bati ko rito bago hinagkan ang ulo. “Mommy needs to go to school…” napasimangot ako habang nakatingin sa anak ko. Kung maaari lamang ay hindi ako aalis sa tabi niya upang asikasuhin siya ngunit hindi naman papayag si Mommy at Daddy na hindi ako makapagtapos sa pag-aaral.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang humagikgik ang anak ko. Bahagyang singkit ang mga mata nito at tila laging nakatawa.

I could still remember the first time I laid my eyes on him. Siniguro kong normal ang bawat parte ng katawan niya, panay rin ang tanong ko sa mga doctor noon kung wala bang komplikasyon o ano. Alam ko ang chances na magkaroon ng diperensya at laking pasasalamat ko naman na walang ganoong nangyari kay Nikolai.

We named him Christian Nikolai. Well, Christian was from Ian, and Nikolai… mom insisted we should use that since she missed Jahann so much. Simula kasi ng umalis si Jahann, hindi pa ito umuwi. Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi siya nagpakita  sa amin, at naiintindihan ko naman kung bakit… kahit na minsan, hindi ko na rin alam kung bakit nga ba.

“The game isn’t over.”

“Cherinna!”

Napapitlag ako nang tapikin ni Alyanna nang malakas ang braso ko. “Aray naman!” singhal ko rito. Natatawa naman ito habang hawak pa rin ang cellphone. “Para ka kasing nalunod na diyan bigla, eh…” tumatawa pa ring sabi ni Alyanna sa akin.
“Ano ba ‘yon? Bakit ka nagtatanong kung anong oras ako uuwi?” tanong ko bago ko kinuha ang pagkain ni Nikolai para ako ang magpakain dito.

“Nag-aaya kasi sila na magpuntang Sweet Desire mamayang hapon kapag wala ng klase, go tayo?” ani Aly habang nakatuon naman ang mga mata sa screen ng cellphone nito.

“Pass na muna ako. Uuwi ako agad mamaya, eh…” sagot ko bago subuan ng pagkain si Nikolai na tila sarap na sarap naman at pumapalakpak pa. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napakabibo ng anak ko kaya naman lahat talaga ay natutuwa sa kanya. Maging sila Tito Thunder at Tito Hunter ay tuwang-tuwa kay Nikolai.

“Twin, it’s been a while since nagkasama-sama tayong lahat,” sabi ni Alyanna na may kalangkap na lungkot ang boses. Totoo naman ang sinabi nito. Hindi naman na kami nabubuo lalo nang manganak ako. Nakukumpleto lamang kami, liban kay Jahann, kapag sila ang nagpupunta sa bahay. Pero nagrereklamo si Theon dahil laging nasa bahay si Mommy kapag nagpupunta sila. Lagi na lamang raw may sermon dahil sa nangyari sa akin. Pilit silang pinapaamin kung may ibang Dela Cruz na, na nabubuhay sa mundong ito dahil sa kanila ni Keij.

“It’s fine, Cherinna. Go with them.”

Sabay kaming napalingon ni Alyanna nang marinig namin ang boses ni Daddy na pababa ng hagdan. Katabi ito ni Mommy at nakaakbay si Daddy sa kanya.

“Good morning, Mommy, Daddy,” bati ni Alyanna sa dalawa. Ganoon din ang ginawa ko.

“I’ll just check our breakfast, love,” ani Mommy kay Daddy bago nagtungo ito sa kusina.

“Dad, okay lang sumama si Cherinna later?” tanong ulit ni Alyanna kay Daddy. Tumingin naman sa akin at tila nagtatanong. Napabuntong-hininga na lamang ako. “Dad, I know Nikolai needs me here, hindi na lang ako sasama mamaya.”

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now