SF-34

15.9K 1K 100
                                    

Nakatingin lang ako sa labas ng restaurant kung saan ako nakaupo habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa labas. May mga naglalakad na mag-isa, may kasamang asawa o kasintahan, may buong pamilya.

Marahil ay mamamasyal ang mga ito ngayon dahil na rin nasa loob sila ng mall ngayon. Normal na maraming tao ang naroon.

"Ma'am, may I take your order?" untag sa akin ng waiter na nilingon ko naman kaagad. Marahan akong umiling sa kanya. "Sorry, can I just order later? May hinihintay pa kasi ako..."sabi ko naman sa kanya. Tumango naman ito at dinala ang menu na hawak at naglakad papalayo sa akin.

Umilaw namang muli ang cellphone kong nasa lamesa at nakita ko ang mukha ni Jahann sa screen. He's been calling me countless times already. Hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko na makipagkita ngayon kay Mr. Alcantara.

Alam ko na hindi niya gusto ang desisyon kong ito pero alam ko naman na kailangan ko itong gawin para na rin maging maayos ang lahat. Hindi naman kami magiging maayos kung hindi kami mag-uusap.

Pinagmasdan ko lang ang tawag ni Jahann hanggang sa maputol ito. Napabuntong-hininga na lang ako bago muling tumingin sa labas. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayon. Kinakabahan ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa lalaki kapag dumating siya rito at kinausap ako...

He's a stranger to me. I am a stranger to him.

Hindi ko alam kung paano namin maaayos ang relasyon namin bilang mag-ama...

I smiled a little when I saw a family walking outside the restaurant. May kasama itong dalawang batang babae na magkapareho ang damit at magkamukha.

Maybe they're twins...

Naalala ko noon kaming dalawa ni Alyanna. Noong mga bata kami, lagi na halos pareho ang suot namin, magkaiba lang ng kulay. Hindi naman din malaki ang pagkakamukha namin ni Alyanna kaya may mga nagugulat kapag sinasabi namin na kambal kami...

Kaya naman pala ganoon dahil... hindi naman talaga niya ako kakambal...

I heaved a sigh and smiled a little. Naiisip ko na okay na rin na ako lang ang ampon at hindi si Alyanna. Alam kong masasaktan ito ng husto kung sakali, alam kong mahihirapan itong tanggapin iyon kung sakali kaya naman mas mabuti na rin na ako lang ang ampon sa amin...

Muli akong napalingon nang magring ang phone ko. It was Jahann again. Sumandal ako sa upuan habang nakatingin sa cellphone kong nasa mesa.

I know he's worried about me...

Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon. Siguro ay sasabihin ko na lang sa kanya ang plano ko para kahit papaano ay mabawasan ang pangamba nito.

"Hello, Jahann?" bati ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng restaurant. Mabuti na lang at hindi naman masyadong matao ang oras na iyon kaya hindi ako nakakaramdam ng ilang.

"Where are you, baby?" he asked me instead. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo," sabi nito. Kahit na hindi ko nakikita ay alam kong napasimangot ito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maliit.

Kahit na mabigat ang mga nangyayari ngayon, gusto ko pa ring magpasalamat na nariyan si Jahann para sa akin, nandyan siya para palakasin ang loob ko.

"Creep," he called me again when I didn't say a word. I smiled a little. "You missed me already?" I asked him instead.

Lately, panay na lang problema ang napapag-usapan namin ni Jahann. Hindi ko man lang siya nakakamusta dahil sa dami ng nasa isip ko pero nakikita ko sa kanya na hindi niya talaga kami pinababayaan ni Nikolai. He always makes sure that I am okay, that I'll always think that he'll never leave me...

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now