SF-15

16.8K 921 234
                                    


Kinabukasan ay nauna pa rin akong nagising sa mga kasama ko sa kwarto kahit na hindi ako agad nakatulog. Jahann and I stayed in the living room last night. We just talked, mostly about me and Nikolai, hindi naman siya masyadong nagkwento ng tungkol sa nangyari sa kanya noong nasa New York siya at hindi ko naman na siya pinilit pa.

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Jahann, Kol at Enzo na nasa kusina at nagluluto. Pasimple akong pumasok sa loob para tignan silang tatlo.

Hindi sila nagkikibuan. They were all silent while they're cooking. Hindi ko tuloy mawari kung nagkakaintindihan ba silang tatlo.

"Why are you three here?" I asked them. Nilingon naman ako ni Jahann at ngumiti sa akin. Ibinigay nito kay Enzo ang hawak at naglakad papunta sa direksyon ko.

"Good morning, Creep," bati niya sa akin.

"Good morning, too," I smiled. "Good morning, Enzo and Kol," bati ko sa dalawa na sinagot lang ako ng tango. They're always like that so it's not news to me, to us.

"Why did you wake up early? Did you have a good sleep?" tanong ni Jahann sa akin bago ako iginiya papunta sa lamesa. He walked away and grabbed a mug, he turned his back on me and when he turned to me, he's already holding a mug with hot chocolate in it.

"Thank you..." I smiled a little. "I slept well. Maaga lang talaga ako nagigising and actually, late na nga. It's 9 am already..." natatawang sabi ko sa kanya. "What are you cooking?" tanong ko naman kay Jahann bago sumimsim sa ibinigay niya sa akin.

"Kol was craving for tuyo, Enzo was craving for omelette and we can't let Keij or Theon do the cooking, so we just did it ourselves," Jahann shrugged and looked at Kol and Enzo. Napailing naman ako.

Pinilit kong tumulong sa kanila pero hindi naman din nila ako pinayagan kaya naman pinanuod ko na lang sila. It's actually fun watching them, hindi sila kasing ingay nila Keij pero hindi naman din sila boring kasama.

Halos patapos na silang magluto nang isa-isang bumaba na ang mga kasama namin. Naupo na lang na ako sa gilid, tumabi naman sa akin si Jahann at sa kabila si Alyanna.

"Kamusta naman 'yung maglalakad daw ng maaga para maenjoy ang paligid?" tanong ko sa kanila. I was about to get the plate with garlic rice when Jahann extended his arm and reached it for me. Ito na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Someone knocked at our door kasi last night! Si Theon siguro 'yun!" reklamo ni Alyanna. "Imbes makatulog kami agad, hindi tuloy namin nagawa," dagdag pa nito.

"Tangina neto, oh. Ayaw paawat," asar naman ni Keij sa lalaki.

Napailing na lang ako dahil napuno na naman kami ng ingay ngayon. We just continued to eat and we planned to go out later. They mentioned we're gonna walk later. Maghahanap daw sila ng marerentahan ng bike pero kung wala ay maglalakad na lang. Wala namang nagreklamo sa aming lahat.

Matapos kaming kumain ay naligo na rin ako at nagpalit ng damit. I just wear a plain black spaghetti strap top and white shorts, I partnered it with my black and white sneakers. I also braided my hair before going out.

I stayed in the living room while waiting for others. Tinawagan ko na rin muna si Ate Mildred para makamusta si Nikolai. She left a message last night that Nikolai is okay. Alam ko naman din kasi na hindi naman ito pababayaan ni Mommy kaya naman kampante ako kahit na hindi ko kasama ang anak ko.

"Wala pa sila?"

I looked back when someone asked me. I saw Enzo and he walked towards me and sat on the other side of the couch. Umiling ako bilang sagot sa kanya.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now