SF-30

19.6K 1.2K 772
                                    


Leave a comment and vote. Let me know your thoughts :)

=======

Halos hindi ako kumikibo habang nasa daan kami ni Jahann. Naisip ko naman na ang pagkakataon na ito. Hindi naman nawala sa isip ko ang tsansa na malalaman nila Tito Thunder at Tito Hunter ang nangyayari.

They're our family. Imposibleng hindi nila malaman ang sitwasyon namin ngayon.

"Creep," hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Pilit niyang pinagagaan ang loob ko dahil alam niya na talagang natatakot at kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayong gabi.

"I'm... I'm scared..." mahinang sabi ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa labas. Kaming dalawa ni Jahann, walang kasiguraduhan...

Walang kasiguraduhan kung ano ba ang kahahantungan naming dalawa kahit pa ipaglaban ko siya at ipaglaban niya ako. Wala kaming magagawa kung talagang hindi kami papayagan ng tadhana na magkasama.

"I understand and it's normal..." Jahann smiled a little. "Maybe it's about time for everyone to know about us..."

I looked at him. Alam ko na sa aming dalawa, mas si Jahann talaga ang matapang at gustong sabihin na sa lahat ang tungkol sa amin...

Hindi ko magawa ang bagay na iyon dahil natatakot ako. Inuunahan ako ng takot sa kung ano ang sasabihin nila... pero kung tutuusin ay ako naman ang may kagagawan nito.

"Can we...can we buy some water first? Sa may convenient store..." sabi ko kay Jahann. Tumango naman ito at nagmaneho na papunta roon. Wala na rin kasing laman ang tumbler ko kaya naisipan kong bumili na lang ng tubig bago umuwi.

Jahann removed his seatbelt so I stopped him.

"Ako na lang, hintayin mo na lang ako rito..." sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin. "Mabilis lang ako..." kinuha ko na ang wallet ko at lumabas na rin ng sasakyan. Naiwan naman na si Jahann sa loob at hinihintay ako.

Kumuha na muna ako ng dalawang mineral water at kumuha rin ako ng mga candies na nakita ko roon. Dinala ko na iyon sa cashier at inabot na rin ang card ko.

"Ma'am, declined card po," sabi sa akin ng cashier na ibinabalik ang card ko.

"Huh? Pwede pong pakitry ulit?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang wallet ko para i-check kung may pera pa ako pero barya na lang ang laman nito na hindi pa yata aabot ng 20 pesos.

"Ayaw po talaga, eh. May ibang card ka po ba? Or gusto niyo pong i-cash?" tanong muli sa akin ng cashier bago ibinalik sa akin ang credit card ko.

Napayuko naman ako dahil nakita kong may kasunod akong lalaki. "Wala kasi akong cash..." I gave my other card to her.

Wala pa naman sa limit ang credit card ko... hindi naman din ako umaabot sa limit talaga...

"Ma'am, ayaw rin po..." muli niyang ibinalik ang card ko sa akin. Napakagat ako sa labi ko. My cards are not working...?

"Sorry... ibabalik ko na lang ang mga ito..." sabi ko sa babae bago lumingon at humingi na rin ng pasensya sa lalaki.

"I'll just pay for it," sabi nito na ikinakunot ng noo ko. He removed his hoodie and looked at me. "Huwag mo ng ibalik."

"Huh? No. Wag na. Tanong ko na lang sa kasama ko kung may pera siya... sorry..." itinabi ko sa gilid ang pinamili ko at muling humingi ng pasensya sa cashier bago naglakad papalabas.

I knocked on Jahann's window. Ibinaba naman iyon ni Jahann na kunot ang noo.

"What's wrong, baby?" he asked.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now