SF-8

88.3K 3.1K 2.4K
                                    


HALOS alas-onse na ng gabi nang makarating kaming lahat sa Blue's Haven. Hindi sumama si Kuya Cloud sa amin dahil sabi nito ay may kailangan pa siyang tapusin na report sa opisina. Bago naman siya umalis ay nagbilin ito kina Theon na bantayan kami.

"Diretso na muna ako sa taas," paalam ko sa kanila. As usual, maraming tao sa bar ni Tito Blue. Kahit pa may mga katabi itong mga bar ay hindi maitatangging dinudumog talaga ito. Marahil ay dahil na rin sa mababait na staff at talaga namang magaling ang DJ dito.

"Why, stay here!" ani Alyanna na hinawakan ang braso ko. Agad akong umiling sa kanya. Hindi ko matatagalan ang ingay sa paligid. Alam naman nila na sa tuwing pupunta rito ay pipiliin kong sa VIP room lang.

Inilapit ko ang bibig sa tainga ni Alyanna bago nagsalita. Malakas ang tugtog kaya naman kung hindi ako sisigaw ay kailangan kong magsalita nang malapit sa kanya. "Medyo masakit 'yung ulo ko. I'll just rest," sabi ko. Tinanong ako ni Alyanna kung okay lang ako na agad ko namang tinanguan para di na ito mag-alala.

Okay naman kasi ako kanina nung nasa SD pa kami. I was actually smiling.

Napalingon ako sa kinatatayuan ni Jahann at Airi. Airi was whispering something to Jahann kung kaya naman ay nakayukod ang lalaki upang ilapit ang tainga sa babae.

Huminga ako ng malalim bago naglakad paakyat sa VIP room. Hindi talaga masasabing cheap ang Blue's Haven base sa disenyo at maging sa materyales na ginamit dito.

Tito Blue once said, it's actually a haven for the broken hearted. Kung sa papaanong paraan ay hindi ko alam.

Marahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Agad akong naupo sa couch na naroon at ipinikit ang mga mata.

I left the flowers in Alyanna's car. Sa sasakyan ako nito sumabay. Lean's with Enzo, Ate Caryl's with Kuya Kiro, Theon's with Keij and Airi's with Jahann.

Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyang meaning ang pagbibigay niya ng bulaklak. Baka nga napasobra lang ang inorder niya tapos sa akin niya binigay.

Pero bakit sa akin? Bakit hindi kay Airi?

"What's bothering you?"

Agad akong napadilat nang may narinig akong nagsalita. Enzo was standing in front of the glass wall. Nakatingin ito sa ibaba kung saan kita ang nangyayari doon. It was as if he was examining those people and why they are behaving like that.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko na di na nag-abalang ayusin ang pagkakaupo. My body's really tired. Gustuhin ko mang sumama sa kanila sa ibaba upang magcelebrate, pagod ang katawan ko at sumasakit din ang ulo ko. Hindi naman ako malaking kabawasan sa kaligayahan nila.

Tumango lang ito sa akin bilang sagot.

I looked at him and smiled. Naalala ko ang nabunot na makakadate nito kanina. Staff ng Sweet Desire ang kumuha ng information ng mga babae kanina. "Maganda 'yung makakadate mo, ha," ani ko na ikinalingon niya ng bahgya sa akin. Alam kong una pa lang ay against na si Enzo sa planong iyon pero wala naman ding nagawa kundi ang pumayag.

"It'll be so much better if she's not just a pretty face," sagot ni Enzo na muling tumingin sa ibaba. Hindi ko naman napigilang matawa.

"The one they picked for Jahann is pretty, too," ani Enzo bago lumingong muli sa akin. Napahinto ako sa pagawa pero pinilit kong ngumiti para itago ang kung ano mang nararamdaman ko. "Talaga? Di ko nakita, eh," sagot ko bago nag-iwas ng tingin.

Hindi ko naman din talaga kasi nakita lahat ng makakadate nila pero habang naghihintay kanina sa SD ay nag-uusap sila Theon ay Keij na pagtapos ng date ay magswap naman daw sila. Wala namang sinabi ang iba o ano pa man tungkol sa kani-kaniyang date. Kahit naman ayaw nila ay wala silang choice kundi ang makipagdate sa mga iyon. Well, that's true. Nag-agree naman kasi lahat ng magulang namin.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now