SF-35

16.3K 1.1K 406
                                    

Vote, comment and follow! :)

==============

Nagluto na ako ng almusal dahil maaga rin naman akong nagising ngayon. Kahit na sinasabihan ako ng mga kasambahay na sila na ang maghahanda ng mesa, nakiusap ako sa kanila na hayaan na lang ako dahil nitong mga nakaraan ay ang mga ito lang ang naghahanda ng makakain naming lahat.

Ako na rin ang nag-ayos ng mesa at nagdala ng pagkain roon. I smiled a little when I looked at our table. Sa aming lahat, ako at si Jahann lang ang madalas na nagluluto at ako naman ang nag-aayos ng mesa kaya natutuwa talaga akong nakikita ang dining room namin na maayos.

"Creep? What are you doing?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Jahann na pumasok ng dining room. Ngumiti naman ako sa kanya. "Good morning..." bati ko sa kanya. "What do you think?" tanong ko habang nakatingin sa lamesa. Naglagay ako ng mga bulaklak doon at gumawa rin ako ng strawberry cupcakes para sa dessert.

Mommy and Alyanna love eating those cupcakes in the morning. Madalas na inirereklamo sa akin ni Alyanna iyon dahil tataba raw siya sa mga pinaglululuto ko at mga ginagawa kong cupcakes.

He smiled at me and walked towards me. Hinawakan niya ang kamay ko at pinsil iyon. "It's beautiful..." ani Jahann sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti sa kanya. Kagabi, sinamahan niya akong maglakad-lakad, hawak niya lang din ang kamay ko, nagtatanong siya sa napag-usapan namin ni... ni Mr. Alcantara, pero hindi ito nagpumilit nang sabihin ko na hindi ko na muna gustong sabihin sa kanya ang nangyari.

Mr. Alcantara wants to get me and he wants me to live with them. Hindi naman nakakapagtaka dahil gusto nila akong makasama. Sigurado naman din ako na gustong makasama nila Mommy si Airi, gusto rin nila Daddy na makilala ang babae, gusto ng mga ito na makabawi sa babae at naiintindihan ko naman iyon.

It's the same with Mr. Alcantara.

Hindi ko naman din magawang magalit sa kahit na sino sa kanila, kahit na kay Airi. Wala naman din siyang kasalanan dahil biktima lang naman siya sa galit na mayroon ang tiyahin ko...

"You cooked? Dapat ginising mo ako para natulungan kita," sabi nito sa akin bago hinawi ang buhok kong tumakip sa mukha ko dahil na rin sa maluwag na pagkakatali nito. I smiled at him and shrugged. "Kaya ko naman, eh..."

"I'll make you your hot chocolate, wait here," he kissed my forehead before he walked towards the kitchen. Napalingon na lang ako sa kanya at napangiti.

I will miss that...

Huminga na lang ako ng malalim bago muling bumaling sa lamesa para tignan kung may nakalimutan pa ba ako.

Narinig ko naman ang boses ni Alyanna na papalapit sa dining room. Marahan akong humakbang paatras habang hinihintay siya.

Kumunot ang noo ko nang makita ko na kasama nito si Airi. They looked at me and I saw Airi smiled at me. "Hi, Cherinna..." sabi nito sa akin bago lumapit at niyakap ako.

Hindi ako kaagad nakakibo nang yakapin niya ako. Hindi ko alam na hindi pala ito umuwi kagabi at dito nanatili sa bahay...

"I didn't see you last night," sabi nito bago napalingon sa lamesa. "Wow! You cooked all of this?" muli itong lumingon sa akin at ngumiti. "Tama talaga sila Jahann at Alyanna, mahilig kang magluto," lumingon ito kay Alyanna. "Aly, tara? Sabi mo kanina nagugutom ka na, diba? Buti naramdaman ni Cherinna iyon," ngumiti ito bago muling lumingon sa akin.

I smiled a little.

Alam kong naninibago rin si Airi sa sitwasyon pero sa nakikita ko, sinusubukan niya. Sinusubukan niyang makipaglapit kina Alyanna bilang kapatid nito.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now