SF-31

16.6K 1.2K 320
                                    

Vote and comments, please? :)


======================


Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sa Daddy ni Airi. Parang lahat naman kami ng mga kasama ko ay hindi makapaniwala sa sinabi nito sa amin.

Pinanlalamigan ako na hindi ko maintindihan. Bumibigat din ang paghinga ko habang pilit na pinoproseso sa isipan ko kung ano ba ang sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin nito?

Paano akong naging ampon?

Napalingon ako kina Mommy at Daddy. Totoo ba?

I grew up with them...

I grew up knowing they're my family... How can it be?

Paano akong magiging ampon?

May kung anong pumipiga sa puso ko habang nakatingin sa kanila. I don't want to entertain the thought inside my head but... but what if it's really true?

I looked at Alyanna, I saw pain in her eyes as well. Alam kong galit siya sa akin, sa amin ni Jahann pero nakikita ko rin ang gulat at sakit sa mga mata niya dahil doon.

Napalingon ako kay Airi na bakas sa mga mukha ang kalituhan din sa nangyayari. Namumugto rin ang mga mata nito kaya naman sa tingin ko ay kanina pa ito umiiyak. Huling nakita ko si Airi ay noong hinatid namin siya kung saan nakita rin namin ang tiyahin nito.

Hindi kami naging close na dalawa pero hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng lungkot habang nakikita siya na tila hindi niya alam kung ano rin ba ang paniniwalaan... ano ang totoo tungkol sa pagkatao niya.

"I'm sorry I had to announce it to you like that but I don't think I should keep it..." muling sabi nito habang nakatingin sa mga magulang ko. "I know it's really hard to understand but... I really think that Cherina..." he looked at me again and paused. He looked sad and confused, too. "I think she's my daughter."

Napayuko ako.

Habang inuulit niya ang ang mga salitang iyon, tila iyon mga mumunting patalim na tumutusok sa dibdib ko. Patuloy akong sinasaktan.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung dapat din ba akong magsalita dahil ngayon ay talagang malabo ang nangyayari sa akin.

Paano niya nasasabing ampon ako nila Mommy?

"What? What are you talking about?" tanong ni Mommy sa kanya. "Cherinna is my daughter! Anong pinagsasabi mo, Hugh?" She removed dad's hand on her and walked towards Airi's father. "What nonsense are you talking about?" malakas na tanong nito sa lalaki. She's still crying because of what happened earlier.

Kung pwede ko lang hawakan ang kamay niya ngayon at aluhin siya dahil alam ko na ako lagi ang nagbibigay sa kanya ng sama ng loob ay ginawa ko na ngunit alam ko naman na mas sasama lang ang loob niya sa akin ngayon.

Alam ko na galit siya sa akin.

"Mommy..." tawag naman ni Alyanna na panay na rin ang pagtulo ng luha sa mga mata. Sapantaha ko ay maging ito ay naguguluhan din sa nangyayari.

Everything is happening so fast. Hindi ko sila masisisi na maguluhan, malito... masaktan. Kahit naman ako ay iyon ang nararamdaman ngayon.

Nalaman nila ang tungkol sa amin ni Jahann. Pinagpipilitan ni Jahann na ampon ito at nalaman naming lahat na hindi dahil positive ang DNA. Nalaman nila Mommy na naming dalawa ni Jahann si Nikolai... ngayon naman ay ito.

May taong nagsasabi na ampon lang ako... na simula nang magkaisip ako na sa tingin ko ay Anderson ako, hindi iyon ang totoo...

"Believe me, Mika. Ayoko ring maniwala noong una, pero..." lumingon ito kay Daddy. "Pero sa palagay ko ay kailangan niyong malaman kung bakit nangyari ang bagay na ito." He heaved a sigh. Ramdam ko rin naman ang guilt sa boses nito dahil marahil sa tingin nito ay ito ang naging dahilan ngayon ng pagkakagulo sa pamilya namin.

PBF 2: Serpentine FateKde žijí příběhy. Začni objevovat