SF-50

32.4K 1K 301
                                    

This is the last chapter of Serpentine Fate. 
Epilogue will be posted by end of November 2021.

I want to thank you all for the support and the love you gave to Jahann and Cherinna, to Nikolai na rin. Hehe.
Maraming salamat po.

I will start a new story soon. Stay tuned!

☆☆☆


I smiled while I was watching Jahann play with Nikolai. Nasa may condo niya pa rin kami ngayon. It has been three days since his proposal and to be honest, I think we're still over the moon because of the excitement and also the happiness we all feel.

Nasa may carpet silang dalawa habang naglalaro. Nakahiga na rin si Jahann habang si Nikolai ay humahagikgik sa tuwing pinapalo niya ang pisngi ng daddy niya.

"Daddy!" he exclaimed before he pats his face again.

"Nikolai, that's bad," saway ko rito dahil pansin kong namumula na rin ang mukha ni Jahann. He's trying to avoid it but whenever he does it, Nikolai begins to cry. Hindi ko alam kung saan ba namana nito ang pagiging sadista.

Sumiksik naman ito sa leeg ni Jahann upang magtago. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. Hinayaan ko na lang din ang mag-ama na maglaro habang naglilinis ako ng kwarto.

Gaya ng napag-usapan noon, hindi maaaring matulog si Jahann dito at tinutupad naman nito ang pangako nito sa mga magulang ko. I just make sure we eat dinner together before he go home.

Kaninang umaga ay kausap ko si Mommy Hannah sa phone at nagbigay lang ito sa akin ng update. Camilla is still giving them a hard time that's why Daddy is fixing everything. Kahit na ayoko magsabi ng hindi maganda, sa palagay ko ay wala ng lunas ang sakit ng babaeng iyon. If I am wrong, then that's good, but for now, I know she's a threat to us.

At hinding-hindi ako magti-take ng risk na mapahamak si Nikolai habang nasa paligid si Camilla.

Nang makatapos akong maglinis ng kwarto ay dinala ko na rin kaagad kay Ate Mildred ang mga dapat na malabahan. Ito na ang nagprisinta dahil na rin si Jahann naman ang nagbabantay kay Nikolai ngayon.

"What do you want for dinner later, Jahann?" tanong ko sa lalaki na kasalukuyang kinakagat-kagat ang braso ni Nikolai.

"Hmm..."

Wala namang kaso ngayon ang stocks dahil marami ang dinala sa amin nila Daddy Hugh noong nakaraan. Kahapon ay dumaan din sina Mommy at Daddy, nagdala ang mga ito ng fruits and vegetables. Binisita nila si Nikolai na tuwang-tuwa na nakita rin silang dalawa.

"Jahann," untag kong muli sa lalaki. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Pork steak?" he asked before he looking at Nikolai again when he started to move away from Jahann. Mabilis naman nitong hinawakan ang damit ng anak namin at hinila pabalik. "Where are you going?" he asked him and tickled him again. Muli naman nitong pinalo sa pisngi si Jahann.

Napailing na lang ako habang nangingiti. Pumasok na lang na ako sa kusina upang maghanda ng makakain naming dalawa. Noong isang araw pa ako inaasar ni Ate Mildred na mistula na kaming mag-asawa ngayon ni Jahann, kaibahan lang daw talaga ay hindi pa roon umuuwi si Jahann, hindi ito nananatili roon sa bahay.

We talked about that already. We're engaged but we're not going to get married soon. Kailangan ko munang makapagtapos, kailangan din muna naming bigyan ng oras ang mga tao sa paligid namin na makapag-adjust ng tuluyan sa sitwasyon namin.

That's one thing I learned about this, too. About our situation.

Kung kami lang ni Jahann, maaari naman na kaming magpakasal kung gusto namin, pero hindi lang naman sa amin umiikot ang mundo. We have to consider our parents, too. Their feelings, their opinions.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon