SF-9

36.8K 1.6K 610
                                    

Keep safe.

--

I STARED at Jahann while he’s still smiling at me. Bumaba rin ang tingin ko sa mga bulaklak na hawak niya.

He’s really offering the flowers to me.

Seryoso ba talaga si Jahann sa sinabi niya sa akin? Ako ang date niya?

Pero paano? Bakit? Isn’t he scared that they might know about this?

“Is this some kind of a joke?” tanong ko sa kanya bago huminga ng malalim. Sunod-sunod ang pag-ulan ng mga tanong sa isip ko habang nakatayo ako sa harap niya.

“I don’t know what’s happening but I am sure that I am not your date tonight. Inayos naman na ang schedule, diba?
Nandito ka na rin sa bahay nila at—“

“You are my date, Cherinna. Walang iba.”

Muli, napatingin ako sa mukha ni Jahann na seryosong nakatingin din sa akin. Walang bakas ng pagbibiro na makikita sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

“Jahann…”

Mas lalo naming bumigat ang aking paghinga nang maglakad siyang papalapit pa sa akin. Inabot niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. “No buts, you’re my date…” He smiled at me.

That was the kind of smile he used to give to me before…

Iginiya niya rin ang kamay ko upang hawakan ang bulaklak. “But… but I can’t be your date…” Napatingin ako sa mukha ni Jahann. Wala man lang akong nakitang pagbabago sa reaksyon niya na para bang inaasahan niya talaga na iyon ang sasabihin ko.

“Si Alyanna… malalaman nila na… na ako ang idinate mo…” dagdag ko ng hindi pa rin nagsasalita si Jahann. “Ma-magagalit sila sa atin…” Sigurado naman akong aalamin ni Alyanna ang nangyari sa date ni Jahann. May contact number din siya ng babaeng nanalo at makakadate ni Jahann. Kapag nagtanong si Alyanna sa babaeng iyon, malamang ay malalaman nito ang totoo.

“It’s okay. Come on,” aya niyang muli sa akin bago hawakan ang bewang ko at igiya akong papasok sa loob ng bahay.

“Jahann, it’s not okay!” awat ko naman sa kanya bago siya muling tignan. Hindi naman talaga okay ang gusto niyang mangyari.

Bukod sa baka malaman nila Alyanna ang tungkol dito, paano si Airi? Sigurado ako na mag-aaway sila ni Jahann dahil dito.

“Why can’t you just trust me, Creep? Just trust me…” masuyong sabi niya sa akin nang muli niyang hawakan ang kamay kong binawi ko kanina.

Marahan niya iyong pinisil na para bang inaassure niya ako na alam niya ang ginagawa niya at kailangan ko lang na magtiwala sa kanya na walang masamang mangyayari sa aming dalawa.

“Jahann…”

“Come on. I told you, no buts,” he chuckled softly before pulling me towards the house.

I looked around as we go inside the house. There were lights around the garden and it feels like someone really exerted an effort to make this possible. Para bang pinaghandaan talaga ang gabing iyon.

Napatingin ako sa kamay ni Jahann na hawak pa rin ang kamay ko habang akay niya ako papasok sa malaking bahay.

“Kanino bang bahay ito?” tanong ko sa kanya nang buksan na niya ang pinto. Wala naman talaga akong ideya kung kanino ba ang bahay na ito. Ang sabi ni Alyanna sa akin ay bahay ito ng nanalong babae.

Hindi naman sumagot si Jahann sa akin. Napalinga-linga na lang ako sa loob ng bahay nang makapasok na kaming dalawa. Malaki iyon at maayos ang loob.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now