SF-33

15.9K 976 175
                                    

Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Daddy. Sabi nito ay ipapaliwanag nito sa akin ang lahat ng nangyari kaya naman nasa loob pa rin kami ng library at nakatingin sa kanya. Mabigat ang mga nakalipas na araw dahil na rin sa sunod-sunod na nangyayari sa amin, sa pamilya... namin...

Hawak ni Jahann ang kamay ko habang maging ito ay nakatingin kay Daddy para malaman kung ano ba ang totoo. Naghihintay rin sa sasabihin nito para maliwanagan kami sa nangyari noon.

He sighed and looked at me. I saw him smile a little. "You're probably confused, you have lots of questions inside your head right now, and I understand that, Cherinna," panimula ni Daddy habang nakatingin pa rin sa akin. "I'd understand if you hate me now, too."

Hindi naman ako kumibo habang nananatiling nakayuko ang ulo. Gusto kong mag-angat ng tingin sa kanya pero mas lamang na nahihiya ako sa kanya.

Hindi ako galit sa kanya o sa kahit na sino. Nalulungkot ako, naguguluhan, nasasaktan pero hindi ako galit sa kahit na sino...

"First, I want to apologize... for keeping this from you, and from you, too, Jahann," he glanced at Jahann. Bakas sa mukha nito ang pagod at lungkot dahil sa nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko naman din alam kung nakapag-usap na ba sila ni Mommy... kung okay ba silang dalawa. When I left last night and went to my room, they were still in the living room, talking.

Sa palagay ko ay hindi pa rin maayos ang relasyon nila ngayon dahil hindi naman din madaling matatanggap ang nangyari.

I remember how she looked last night. Full of pain, sadness, anger...

"How's Mom...?" I managed to ask him when I looked at him. He smiled sadly and shrugged. "She hates me right now and it's understandable, I don't have plans on running away from this because I did this," he replied as he sighed. "But that's different, I'll handle it. I'll talk to your mom..." he tried to smile at us. "What's important now is to explain to you what happened..."

Hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa kanya. Kahit si Jahann na nasa tabi ko ay hindi rin nagsasalita. Nakatingin lang din ito kay Daddy at naghihintay ng sasabihin nito. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang naghihintay ako sa mga sunod na sasabihin niya sa amin.

"When your mom gave birth to Alyanna and... and Airi..."

I looked down at my lap when she mentioned her name. Kung tutuusin ay hindi naman ako dapat na masaktan dahil iyon naman ang totoo. Anak nito si Airi... ito ang kakambal ni Alyanna...

Siguro nga ay dapat na isinisiksik ko na iyon sa isipan ko ngayon para mas mabilis kong matanggap at hindi ako mas masaktan pa.

"We're so happy that we had twins. We thought everything was okay, not until a nurse came to me and told me one of my daughters is missing..." he looked down and heaved a sigh, he shook his head and looked at me.

Matagal na ang pangyayari na iyon pero bakas sa mukha ni Daddy ang sakit habang inaalala ang bagay na iyon. It was as if it was only yesterday...

"I know that I should've told Mikaela what happened, but..." he paused and looked at Jahann. "Your lola doesn't want me to do that..."

"Si Lola?" tanong ni Jahann na nakakunot ang noo. Ang tinutukoy nito ay ang Lola namin sa side ni Mommy.

I mean, lola nila...

He nodded a little and looked at me. "I did what I had to do, I went to Child's Hope and luckily... they just got you, Cherinna..." naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Daddy habang ang mga mata ay nananatiling nasa akin.

"I made Mikaela believe you are our daughter and trust me, Cherinna. I treated you as our own, as my own..."

Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko naman talaga maikakaila ang bagay na iyon.

PBF 2: Serpentine FateМесто, где живут истории. Откройте их для себя