SF-38

21.2K 1.1K 196
                                    

Vote, comment and follow! :)


======================


"Are you okay, baby?" Jahann held my hand while walking. We're both holding the cart and pushing it as we're checking what else we should get for our stocks. Nagsabi kanina si Mrs. Alcantara na mamimili ito kaya naman nagprisinta akong sumama. May kasama rin naman kaming kasambahay pero ito at si Mrs. Alcantara ang magkasama habang si Jahann naman ang kasama ko.

Hindi ako masyadong naglalagay sa cart at panay si Jahann ang kumukuha ng mga bibilhin dahil na rin wala naman akong pambayad sa mga ito. Kung sakali man na ayos na ang cards ko, ayaw ko namang gamitin iyon dahil hindi naman iyon para sa akin.

"Creep, what's the problem?" He stopped the cart and looked at me. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon. "What's bothering you?" he asked again. Kung tutuusin ay wala namang problema sa mag-asawang Alcantara na nakikita nila kami ni Jahann na magkasama. Hindi ko naman din inilihim sa kanila na anak namin ni Jahann si Nikolai kaya naman sigurado akong naiisip naman na nila na may relasyon kaming dalawa.

Maybe they're just trying to be okay with it since they just got me... I really don't know.

Tinignan ko si Jahann at ngumiti ako ng tipid sa kanya. I even tiptoed and pecked on his lips. "I'm just happy to be here with you," I softly said. I saw him smile before pulling me to a hug. Naramdaman ko ang paghalik ni Jahann sa ulo ko. "You have no idea how happy I am, Creep..." bulong niya sa akin.

Hindi namin masyadong napapag-usapan ang tungkol kina Mommy at Daddy, maging kay Alyanna. Sa palagay ko ay naiisip ni Jahann na baka masasaktan lang ako lalo kung pag-uusapan namin pero sa totoo lang, namimiss ko na rin naman sila... hindi ko lang alam kung paano ko ba sila makakausap... alam kong nasasaktan pa sila.

Alam kong galit pa sila sa akin.

"And don't be shy, baby. Get what you and Nikolai need. I'll pay for it," Jahann chuckled as he cupped my cheeks. "You're worrying about that, right? Don't be. I'll provide for you and Nikolai."

Muli akong ngumiti sa kanya. "You're really a good father, you know?" muli akong bumaling sa cart na nasa harap ko at itinulak na itong muli para magtingin ng mga kailangan ni Nikolai. Sumunod naman si Jahann sa akin at hinawakan ang bewang ko.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang alok sa akin ni Mr. Alcantara. Sinabi nito sa akin na ipinapaasikaso na nito sa mga lawyers nito ang tungkol sa mga papeles ko, maging ang kay Nikolai. Hindi magtatagal ay magiging legal na Alcantara na rin ako.

Sila Mrs. Alcantara ang kumuha ng mga para sa bahay habang ang laman naman ng cart na tulak namin ni Jahann ay para kay Nikolai at sa akin. Hindi ako kumukuha ng para sa akin kaya si Jahann na ang kumuha ng mga ito, lagi naman kaming magkakasama noon kapag namimili kami ng mga gamit namin kaya hindi nakakapagtaka na alam ni Jahann ang mga ginagamit ko.

"Mommy!" sabay kaming napalingon ni Jahann nang marinig ang boses ni Airi. Lumapit ito sa amin at niyakap si Mrs. Alcantara. "Hindi ako nakauwi kagabi, sorry..." sabi nito habang yakap ang babae.

Mrs. Alcantara smiled at Airi. "Namiss ka namin ng daddy mo, " sabi niya rito bago nilingon ang kasama ni Airi.

I saw Alyanna looking at me. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Mukhang magkasama sila ni Airi ngayon na namimili... something we used to do before...

But that's all in the past. Natural lang naman na si Airi na ang kasama ni Alyanna. Nagbabago na ang buhay naming lahat dahil sa katotohanan. Dapat ay sinisimulan ko ng tanggapin iyon.

PBF 2: Serpentine FateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ