SF-17

16.8K 952 303
                                    

"Mukhang kumpleto ang tulog mo, ah?" ani Keij kay Jahann nang bumaba ito at magpunta sa kusina. Kahit naman ako ay nagulat na gising na ito at nakapagluto na ng almusal para sa lahat. Enzo and Kol didn't help him because we went to the kitchen together.

He's not moody in the morning, either. It was like he inhaled some happy gas or something...

"Bakit mukhang masaya ka, Jahann?"Dumampot ito ng isang bacon strip atsaka kinagat ito habang nakatingin kay Jahann. "Naka-eight hours ka?" tanong pa rin nitong muli.

"Why don't you just sit down and eat, dela Cruz?" he asked Keij instead.

Napailing na lang ako bago tinulungan si Jahann na maghain. Mamayang hapon ay uuwi na kami dahil may pasok na kaming lahat kinabukasan.

"Dami natin dela Cruz dito," ani naman ni Keij na naupo na.

"Whatever you say," Jahann said before pulling a chair for me. Sila na ni Kol ang kumuha ng mga plato at utensils.

"Can we at least ride a bike before we go home later?" tanong ni Alyanna sa amin. Tumango naman ang mga kasama ko. We used to bike around the subdivision. Hindi na nga lang namin magawa ngayon dahil sa kanya-kanyang priorities.

"I'll just stay here..." I smiled at Alyanna. Hindi pa rin naman okay ang paa ko kaya magpapaiwan na lang ako rito at aasikasuhin ang mga dadalhin ko.

"Ay, shit... oo nga pala," napasimangot si Alyanna. "Masakit pa rin ba ang paa mo?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang sagot. Nakainom na rin naman ako ng gamot at inaalalayan naman ako ni Jahann kaya sa tingin ko ay mabilis lang namang gagaling ito.

Tumahimik ito na tila nag-iisip. Napangiti na lang ako bago naglagay ng kanin sa plato ko. Napalingon naman ako kay Jahann nang lagyan nito ng ulam ang plato ko.

"Hey, that's enough. Ang dami..." puna ko sa lalaki.

"Nahahalata sino ang favorite mo, Jahann..." ngumisi si Keij sa lalaki. "Wag ganon, kuya ka, eh. Dapat pantay. Kung ako si Alyanna, magtatampo ako..." tila nangongonsensya na dagdag pa nito bago tumingin kay Alyanna na tila kinukumbinsi ang babae na gumatong sa sinabi niya.

"Hindi ako kasing babaw mo, Keij," she rolled her eyes.

"If you're envious, ask your brother to put food on your plate," Jahann chuckled before putting the plate back. Napalingon naman kami kay Kol nang tignan ito ni Keij.

"You have two hands, use it," ani Kol bago pa nakapagsalita ang kakambal nito. Hindi naman namin napigilan ang pagtawa dahil dito.

Ako na lang na ang naglagay sa plato ni Alyanna. Alam kong hindi naman mababaw si Alyanna para isipin ang sinasabi ni Keij pero ayaw ko rin naman na mapansin niya na hindi namin siya iniintindi. Alyanna may be a brat but she's really sweet.

"What if umangkas ka na lang kay Kol?" tanong ni Alyanna sa akin habang kumakain ito. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya bago tumingin kay Kol.

Sinabi ko naman na kanina na magpapaiwan na lang ako, hindi ba malinaw iyon?

"No, no. I'm okay. Hindi naman kailangan at--"

"She'll go with me," putol ni Jahann sa sasabihin ko. Napansin ko ang marahang pagtawa ni Kol. Tinignan naman ito ng masama ni Jahann pero tila wala lang iyon sa lalaki. Sanay naman na sila sa isa't isa.

Matapos kaming kumain ay sina Alyanna at Lean ang naghugas ng mga pinagkainan habang si Keij at Theon naman ang naghanap ng mga bike na magagamit namin.

"How's your leg?" Jahann asked me while we're at the couch. Yumukod siya para hawakan ang paa ko at dalhin iyon muli sa lap niya.

Hindi ko mapigilang mag-init ang mga pisngi dahil sa ginawa niya.

PBF 2: Serpentine FateWhere stories live. Discover now