SF-6

44.8K 1.9K 450
                                    


PAGTAPOS ng klase ko ay dumiretso na ako na umuwi ng bahay. Wala naman kasi kaming usapan talaga ni Kol at alam ko namang pupunta siya ng Summer's pagtapos ng klase niya. Ganoon naman na ang routine ni Kol dahil pinamamahalaan niya rin ang Summer's. Tito Hunter trusted him with that already, at hindi naman naiinggit si Keij sa kakambal. Mas okay nga raw na si Kol ang nandoon dahil ayaw naman ni Keij na nakakulong sa opisina.

Sakto namang tulog si Nikolai nang makauwi ako kaya may oras pa akong magluto na muna ng hapunan. Kung wala naman din kasi akong ginagawa, tumutulong ako sa tagapag-luto namin o di kaya ay ako mismo ang nagluluto. Lalo na nung bakasyon, ako na lagi ang nagluluto at para na rin kasing paraan ko iyon para makabawi kay Mommy.

"Oh, Cherinna, magpahinga ka na muna. May gusto ka bang kainin?" tanong ni Manang sa akin pagpasok ko sa kusina. Ngumiti ako at umiling. "Hindi pa naman po ako gutom," sagot ko matapos baybayin ang daan papunta sa refrigerator. Binuksan ko iyon at pinagmasdan ang loob. Nag-iisip kung ano ba ang pwede kong lutuin ngayon.

"Mag-iihaw kayo, Manang?" tanong ko nang makita na may naka-marinate na karne sa loob.

"Oo, ineng. Paano'y request ni Jahann kaya iyon ang ihahanda ko mamaya," sagot naman nito sa akin hahang sumisimsim sa kapeng nasa harap nito. Tumango-tango naman ako.

Nagrequest siya ng ulam, sa labas naman siya kakain kasama si Airi.

"Ikaw, may gusto ka bang kainin? Idadagdag ko sa lulutuin mamaya," tanong sa akin ni Manang. Umiling naman ako. Hindi naman ako pihikan sa pagkain, maging nung ipinagbubuntis ko si Nikolai, hindi ako mapili sa pagkain. Late na nga nung nagustuhan kong kumakain lagi ng red velvet cupcakes.

"Can I help, Manang?" tanong ko sa halip. Wala naman akong assignments na kailangan asikasuhin at tulog pa si Nikolai.

"Ano ka ba namang bata ka, kaya na namin ito. Magpahinga ka na lang at nangingitim yang paligid ng mga mata mo, oh," sabay turo ng matanda sa mata ko. Napangiti naman ako. "Okay lang naman ako, Manang. Si Mommy po pala, wala pa ba?" tanong ko.

"Wala pa. Alam mo naman ang mommy mo kapag kasama ang lola mo, para pa ring bata. Palibhasa'y nag-iisang prinsesa pa ng mga Dela Cruz noon," nangingiting sagot ni Manang. Tumango naman ako rito.

"Tulungan ko na po kayo sa pagluluto, Manang, ha? Wala naman akong kailangan tapusin sa school, eh," pagpiprisinta ko. Bakas sa mukha ni Manang ang kagustuhang tumutol pero wala naman din siyang nagawa kundi ang tumango sa akin at pumayag.

Inabala ko naman ang sarili sa pagtulong kina Manang. Nagprisinta akong ako na ang mag-iihaw pero hindi naman pumayag ang matanda kaya naisipan ko na lamang gumawa ng salad para sa dessert mamaya.

Hindi ko mapigilang madismaya kay Jahann. For sure mom is looking forward for tonight's dinner. Kagabi kasi'y di naman kami nagkasabay-sabay sa pagkain dahil tulog si Jahann at sinabihan ni Daddy ang kasambahay na wag na itong gisingin para makapagpahinga ito.

Alam ko naman na sobrang saya ni Mommy sa pagdating ni Jahann. Lahat naman yata ay hinihintay na bumalik siya. Nandito na nga siya, iba naman ang kasama.

"Mas mahalaga siya, eh," anas ko habang hinahalo ng maigi ang salad.

"May sinasabi ka, hija?" tanong ni Manang na naghihiwa ng sangkap sa lulutuin nito.

Napatingin naman ako at napayuko. Hindi ko alam na napalakas ang pagsasalita ko. Ang buong akala ko ay sa isip ko lamang iyon. "Wala po," ani ko bago ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa.

Maybe I should text Alyanna to ask her to buy a cake. For sure mom will be disappointed. Simula kasi nang nangyari ang tungkol sa akin, ayoko nang nadidismaya si Mommy, eh.

PBF 2: Serpentine FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora