Chapter 6

28.6K 801 308
                                    




IMPOSSIBLE

Erille's Point of View

"Cellphone ko?" bulong ko habang pinipilit tumayo, sobrang sakit ng ulo ko, at ang bigat ng pakiramdam ko, bakit ba naman kasi ngayon pa nagkasakit.

Sinubukan kong hanapin ang cellphone ko sa side table ng kama pero mukhang na iwan ko ata ito sa sofa. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa kirot ng ulo ko, kahit tumayo mula sa kama at hindi ko magawa.

Hindi lang ang sakit ng ulo ko ang inaalala ko, nagaalala ako kay Louen baka may hindi magandang mangyari pag siya lang mag isa ang pumasok, pero ano pa ang magagawa ko nandon na siya pero gusto kong tawagan si Ma'am Cherille.

Ipapaalala ko ang usapan namin,

One week ago after Louen's audition,"Ang galing mo Louen!" I said and follow Ma'am Cherille inside the staff room, "Papasukin mo na siya mamaya, siya ang unang sasayaw sa main stage," sabi nito habang inaayos ang papeles sa table niya dito sa loob ng staff room.

"Mamo sasayaw lang si Louen hindi siya pwedeng bayaran ng kahit na sino para maikama," agad niya akong tiningnan ng nakakunot noo kaya ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang lamesa at nginitian siya.

"Hindi pwede yon, alam mo ang takbo ng mga entertainers natin dito Erille," sambit niya, pinagkrus ko ang aking kamay bago nagsalita, "Alam ko po yon, at alam ko rin ang laki ng tinulong ko sa club na ito, hindi kita iniwan nong nawalan ka ng mga dancer dahil sa hindi mo pagpapasweldo, ngayon lang ako humihingi ng pabor sayo, ayaw kong masira ng tuluyan ang buhay ng kaibigan ko sa pagpasok niya sa trabahong ito, dahil alam ko kung gaano kadumi ang lugar na ito," sambit ko.

"Alam ko naman ang tinulong mo sa akin Erille pero sana hindi mo nalang siya pinasok dito kung ayaw mo palang masira ang buhay niya," napaiwas ako ng tingin sa kanya at napakamot ng braso.

"Eh gusto niyang kumita at magaling siya sa pole dancing, sige na naman na Mamo, sasayaw lang siya at ang sweldo niya lang ay galing sa pagsasayaw niya, hindi siya pwedeng bilhin at bayaran na kahit na sino."

"Oo na," sambit niya na parang wala na siyang choice kaya napangiti ako at niyakap siya, "Thank you, Mamo."

Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ang mga tuhod, lumabas ako ng kwarto at hinanap ang aking cellphone sa sofa, kinuha ko ito at nang idadial ko na ang number ni Mamo para kamustahin si Louen doon sa club ay biglang may kumatok kaya natigilan ako.

"Louen?" tanong ko at dinalo ito kahit nagiging dalawa na ang paningin ko, nang buksan ko ito ay dahan-dahan kong naibaba ang cellphone ko at kunot noo itong tinignan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, imbis na sumagot ay binuksan niya ang pinto at pumasok ng tuluyan. "Pinapunta ako dito ni El para dalhin itong gamot mo at prutas, eh tapos naman na shift ko ngayong araw kaya nagmabuting loob na ako baka mamatay ka eh," padabog kong sinara ang pinto at tinignan siya ng masama.

"Oh, talaga kung ikaw kaya ang patayin ko?!" singhal ko at tinignan siyang ayusin ang mga prutas sa lamesa at maglabas ng tubig para sa pag inom ko ng gamot.

"Di pwede liligawan ko pa si El," nakangiting sambit niya kaya natigilan ako, "Gusto mo si Louen?" tanong ko. Tinignan niya ako bago ngumiti at kumindat, ganyan na ganyan si Six pag seryoso siya sa babae.

"Kaya ba binibigyan mo siya ng chocolates?" tanong ko at gaya ng kanina ngumiti siya lalo at tumango, "Bagay kami diba?" malokong tanong niya at nagpogi sign pa, "Oo, princess and the frog ang peg" sagot ko at tinalikuran siya at sinubukan maglakad papunta sa kwarto dahil ang sama lalo ng pakiramdam ko.

The Greatest Stripper (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now