Chapter 12

25.7K 734 185
                                    



Destructed


Erille's Point of View

"Oh, Louen tamang-tama nakauwi kana, papasok na ako, ok na ang paa ko kaya makakasayaw na ako ulit, doon na ako kakain sa club ng hapunan pero may nakaluto na dyan sa kusina kumain ka nalang ok," sambit ko habang inaayos ang aking falls eyelashes.

Tiningnan kong pagod na umupo si Louen sa sofa at binitawan ang kanyang bag, halos magiisang linggo na siyang hindi pumapasok sa club dahil iyon ang sabi ni Ma'am Cherille at nong customer niyang ubod ng yaman. Kaya nagfocus siya sa training niya para sa nationals.

Laging umuuwi ng pagod at gutom, kay apinagluluto ko na bago pa ako pumasok, "Hoy, aalis na ako" kinalabit ko siya at dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata bago tumango at sinabi, "Anong ulam?" tanong niya.

Ngumiti ako bago sumagot, "Tinola, kumain ka na ah," sambit ko bago ako naglakad papalapit sa pinto at sinuot ang aking heels, napalingon ako kay Louen habang isinusuot ang heels at napansin kong may mga pasa siya sa hita gawa ng training niya.

Alam kong importante ito para sa kanya pero pagdumating sa puntong sobra na ito para sakanya handa akong pigilan siya para sa ikabubuti niya, "Alis na ako," sigaw ko bago lumabas ng bahay at sinara ang pinto.

Agad akong sumakay ng tricycle papuntang club, "Manong dyan na lang mo ako ibaba sa karinderya sa tabi ng club," kakain muna ako ng hapunan bago tumuloy sa trabaho.

Tumango ang driver at itinigil ang tricycle sa tapat ng karinderya, "Ito ho bayad manong" sambit ko bago tumuloy sa loob ng karinderya, "Manang Gigi isang tapsilog naman dyan" sigaw ko pagpasok ko sa loob, madalas akong kumain dito ng hapunan ng hindi ko pa nakakasama sa bahay si Louen dahil wala akong oras magluto para sa sarili ko noon.

Pero dahil may kasama na ako sa bahay at masarap kumain pag may kasama, mas ginugusto ko nang lutuan ng pagkain si Louen. Pero ngayon sadyang namiss ko lang talaga ang tapsilog dito.

"Ikaw pala Rie, sige umupo kana at ihahanda ko na," sambit ni Manang Gigi, siya ang may ari ng karinderya ng ito at halos kaedad na siya ng mama ko kaya magaan pakiramdam ko dito.

Pagkaupo ko sa isang tabi agad tumunog ang cellphone ko kaya inilabas ko ito sa aking bag at sinagot, "Hello?" unknown number eh, "Justine ako ito," boses pa lang ay kilala ko na agad, "Ma bakit iba po ang number nyo po?" tanong ko.

Nung nakaraang araw iba din ang ginamit nilang number sa pagtawag sa akin ah, "Nakitawag lang ako sa kapit bahay," sagot ni Mama at halatang iritable ang boses nito kaya sinubukan ko siyang tanungin. "Ma kamus------," hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya kaagad.

"Magpadala ka naman ang pera dito Justine wala na kaming pangkain dito" nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni Mama, "Edi ba ho ma kakapadala ko lang po ng 10 thousand nong nakaraang araw?" sambit ko.

"Eh naubos na nga anak kaya nga magpadala kana dito," singhal ni Mama sa kabilang linya, napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya at nagsalita muli, "Eh ma may kailangan po ako bayaran sa school na project hindi ko ho kayo mapapadalhan ngayon agad agad pwede ho bang next we---."

"Aba Justine patay na kami next week! Ano magpapadala ka ba o hindi?!" sambit ni Mama, ngumiti ako ng dumating si Manang Gigi at inihain ang inorder kong tapsilog. Nang umalis siya sinagot ko na si Mama at sinabi, "Ok ho magpapadala ako mamaya pagkatapos ng trabaho," sambit ko at hindi na hinintay ang susunod niyang sasabihin at pinatay ang tawag.

Nagsimula akong kumain at tinignan ang aking natitirang pera sa aking wallet, 8 thousand na lang ito, kailangan kong magbayad sa school ng 5 thousand, pero kailangan kong magpadala ng 5 thousand kila mama ngayon na. Napangiti ako at binulong na lamang sa aking sarili. "Kailangan mong kumita ng malaki ngayon Erille"

The Greatest Stripper (Published Under PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن