Chapter 21

23.6K 689 128
                                    


Wounds



Erille's Point of View


"Sinong may birthday bukas?" Tanong ko habang sinusubuan si Tabitha ng lugaw na binili ko sa labasan. Malamig kasi lalo ang panahon ngayon sa Baguio kaya mas masarap kumain ng mainit na lugaw.

"Me!" sagot ni Tabitha habang patuloy pa rin sa pagdradrawing, ngumiti ako at inayos ang buhok niya habang patuloy siyang ngumunguya.

Napalingon ako sa hagdan ng bumaba na si Louen habang inaayos ang kanyang uniform, "Papasok na ako," sambit niya bago hinalikan sa pisngi si Tabitha at kinuha ang baon na niluto ko para sa tanghalian niya mamaya.

"Mag-ingat ka ah, pagumuwi ka mamaya wag ka na maglakad sumakay ka na ah!!!" paalala ko, hinalikan niya muli si Tabi bago tumango at tumakbo palabas ng bahay, tuluyang pumasok sa trabaho.

"Anong gusto mong handa bukas Tabi?" tanong ko at sinubuan siya ulit, "Fried chicken!!!!" she said and spread her arms wide, "ganyan kayaking fried chicken ang gusto ng Tabi namin? Wow," nanlalaking mata kong sambit upang mapatawa siya.

She giggled and nodded as an answer, "Sige magluluto ako ng ganito kalaking fried chicken bukas para kay Tabi namin," masigla kong sambit at pinagpatuloy ang pagpapakain sa kanya.

Pagkatapos kumain naglinis ako ng bahay, habang tahimik na nacocolor si Tabitha sa salas ng coloring pad niya, Hindi malikot na bata si Tabi dahil bukod sa hindi siya pwedeng mapagod at sa mga active games, isa din siyang matalinong bata na mas gusto ang learning activities kesa sa active activities na karaniwang ginagawa ng mga kabataan ngayon.

Habang nagmamap ako dito sa salas naisipan kong mag patugtog kaya binuksan ko ang speaker namin at agad akong tiningnan ni Tabi ng marinig ang tugtog. I smiled at her and she did the same thing.

I use the remote as my microphone and start singing together with Tabitha, we always sing this song together.

"You're on the phone with your girlfriend, she's upset, she's going off about something that you said 'cause she doesn't get your humor as I do," we both sing the intro, kinuha ni Tabitha ang pencil case niya at ginaya ako sa pagkanta.

Tumayo si Tabi sa kama at ginaya ako, "Don't dance or jump," paalala ko, at nagpatuloy sa pagkanta. Sinasabayan niya ako at halos masaulado niya na ito dahil lagi namin itong kinakanta.

"But she wears short skirts, I wear T-shirts she's Cheer Captain, and I'm on the bleachers, dreaming about the day when you wake up and find that what you're looking for has been here the whole time," I start dancing and keep pointing at her while she just keeps singing and smiling at me.

Lumapit ako sa map at ito ang ginawang mic, na lalong nagpatawa kay Tabitha, I start dancing weird step in front of her and feeling the music.

"If you could see that I'm the one, who understands you've been here all along, so, why can't you see? you belong with me," sobrang nag eenjoy kami sa pagkanta ng biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang lalaking hindi ko nasilayan ng dalawang taon.

"You belong with me," I whisper, "Toto!!!" sigaw ni Tabitha at agad tumakbo kay Six, "Tabi!" suway ko ng bigla siyang tumakbo, hindi siya pwedeng tumakbo na lang basta-basta. Binuhat siya ni Six at agad hinalikan sa pisngi.

Lumapit ako sa speaker at pinatay ang tugtog bago siya hinarap, "Six, napadalaw ka," sambit ko, nakangiti siyang tumingin sa akin at sinabi, "Bakit bawal na ba akong dumalaw dito at makita ang mahal kong Tabitha?" Sambit niya.

Nakasuot siya ng denim pants at kulay itim na round neck t-shirt, saka vans na sapatos na lalong nagpakita ng tangkad at haba ng hita niya. Umikli ang buhok niya at nakaayos ito pataas kaya mas lalong kitang-kita ang mukha niya.

The Greatest Stripper (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now