CHAPTER 12. CRUSH

4.7K 255 136
                                    

CHAPTER 12. Crush

KIANNA‘S POV

Napatili ako nang may biglang tumilapon palabas mula sa pintuan ng women‘s locker room.

Dumaing ang tatlong babae na nakadagan sa isa‘t isa sa sahig dahil sa pagkabagsak nila. Bakit basang-basa? Para tuloy silang basang sisiw.

Sinilip ko ‘yung loob ng locker room at nakita si Khali na nakatayo doon. Nagkatinginan kami.

“It‘s not me.” mabilis niyang pagtanggi.

Pumasok ako sa loob ng locker room... Siya lang naman ‘yung tao sa loob. Tapos itatanggi niya pa? Ano akala niya sa ‘kin ire-report ko siya? Lol.

“Hindi pa tayo tapos!” sigaw nung isang babae. Tapos nagsitakbuhan na sila paalis.

“Anyare?!” tanong ko.

“Malay...” sabi niya lang. Inirapan ko nalang.

Kinulit ko lang siya hanggang sabihin niya. Inatake raw siya, tapos balak sana buhusan ng maduming tubig eh naunahan ni Khali. Sinipa niya ‘yung timba kaya tumapon doon sa babaeng nagtangkang magbuhos sa kaniya.

Sobrang natawa ako kaya nahampas ko si Khali kakatawa.

“Oh, so that was true?” Khali said.

Sinabi na layuan daw niya si King. Lol. Kung alam niyo lang kung sino ‘yung laging nakasunod. Si King kaya ‘yung di makalayo kay Khali! Dzuh!

Bitter lang naman sila kasi ayaw nilang maniwala na si King ‘yung may gusto kay Khali. Saka the fact na may kasa-kasama na itong babae.

“Oo nga, truth yon. May fanclub talaga sila dito.” sabi ko sabay hagikgik.

“They‘re gangsters, tho...” Khali said. Kahit noong hindi pa naman gangsters ang Four Dragons ay sikat na sila dito no.

“Anyways, tara na naghihintay si Rize. Alam mo naman ugali nun kapag naiinis.” sabi ko tapos kumapit sa braso ni Khali at sabay kaming naglakad papunta sa gym.

Si Rize na nga pala ang Captain Ball namin.

Pagdating sa gym, nadatnan namin parang nagsasagutan na naman si Rize at mga bball varsities.

Pinag-aawayan kasi nila ‘yung gym. Ayaw ng isa‘t isa magsabay. Kasi nga gusto sana ng basketball team gamitin ang full court. Saan naman kami pwepwesto niyan?!

Si Xander na nga pala ang Captain ng basketball team kasi ayaw ni Trev maging captain kasi masyadong na raw siyang busy.

Wala yatang may gusto ng responsibilidad kaya ‘yan, sa mabait na Xander binagsak.

For sure kay Trev ayaw niya lang maging busy kasi mawawalan siya ng time kay Khali. WAHAHA!

“Bakit kasi kayo sumasabay sa sched namin?!” Farrah retorted.

“Eh sa vacant namin ‘to!” sagot ni Iron.

Ito namang si Iron, sabing huwag muna magsasali sa mga extreme activities kasi baka kung mapaano ‘yung ulo niya tapos makikita mo dito? Tigas rin ng ulo.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon