CHAPTER 31. MEET

13.7K 436 164
                                    

CHAPTER 31. Meet

KHALI‘S POV

“Khali!”

Lumingon ako sa kanan kung saan nanggagaling ang boses. At tama nga ako sa akala na si Hominid ‘yun.

Ano na naman kayang kailangan ng unggoy na ‘to?

Diretso lang ako sa paglalakad habang patakbo siyang lumalapit sa akin.

“Patawag nga!” napaka-demanding na bungad niya.

“Pati ba naman pang-load ngayon wala ka na.” sagot ko.

“Ikaw rin naman ah. Si Trev naglo-load sayo diba!”

Tinapunan ko siya saglit ng masamang tingin. Tuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod naman siya.

“Nawalan ka ng dahilan kung bakit di ka maka-reply no.” sabi niya sabay tawa.

“Kaya nga bawal makigamit. Hindi sa‘kin ‘yung load.” sagot ko nalang dahil nakakainis siya.

Ibibigay ko na sana ‘yung phone ko eh, ang dami pa niyang dakdak, kaya huwag nalang!

“Sus! Kahit naman load‘an ka hindi ka parin nagrereply saka kusang tumatawag. Sayang ‘yung load, ipasa mo nalang sa‘kin!” sabi niya.

Ang kapal naman ng mukha ng unggoy na ‘to.

“Just use the app, will you?” iritado kong wika.

“Pupunta pa ako sa Dia para maka-wifi? Lintek na ‘yan!”

“Sino bang tatawagan mo?” inis kong tanong.

“Si Kian, syempre!”

“That Kian?” I said and pointed at her a few meters from us.

Kasama niya si Thea Kim, ang finacée ni Kevin. Kaya nag-alangan na naman ang huli na lapitan ito.

Tinulak ko ito. “Get lost now.”

“Ano ba! Kita mong kasama si Thea!” anas niya.

Ewan ko sa inyo.

Sa dinami-rami rin kasing magiging kaibigan ni Thea Kim sa klase nila ay si Kianna pa na may something kay Kevin na fiancé niya.

Kahit ako iisipin kong sinadya ni Thea na kaibiganin si Kianna gaya ng akala ni Hominid. Pero na-kwento naman ni Kianna sa amin kung paano sila naging magkaibigan and I think, she‘s not like what we‘ve assumed.

Kianna waved at us when she spotted us.

“Khali!!!” sigaw niya pa. Napaka-ingay kahit kailan.

Lalapit na sana ito nang hawakan siya ni Thea sa braso. May pinag-usapan sila saglit tapos naghiwalay na sila at si Kianna lang ang lumapit sa amin.

“Mylabs!” nakangusong wika nito nang makalapit kay Hominid.

What the...

Iniwan ko na silang dalawa doon dahil baka mawalan ako ng gana kumain kapag pinanood ko pa silang maglandian.

Teka, sila na ba? Bakit napapadalas ang pagtawag nila ng endearment sa isa‘t isa?

“Huy, saan ka pupunta?!” biglang tanong ni Kianna. “Sama kami!” aniya saka hinila si Hominid.

“Malamang kakain na naman ‘yan. Tingnan mo papunta sa bazaar oh.” may bahid ng pang-aasar na sabi ni Hominid.

I turned to him with a poker face.

“Oh! Doon na tayo magmeryenda!” sabi ni Kianna.

Masiglang kumapit sa braso naming dalawa ni Hominid at naglakad.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon