CHAPTER 26. QUEEN OF THE DAWN

4.9K 259 361
                                    

CHAPTER 26. Queen of The Dawn

KHALI‘S POV

Maraming bisita ang Marvel High ngayon dahil first day lang naman ng Foundation Week. Magkakaroon ng Opening Ceremony sa Auditorium at lahat ng first year ay required um-attend.

Busy tuloy sina Jaemin na gina-gather lahat ng freshmen. Nakita ko nga si Iron sa daan kanina may kinakaladkad na estudyante. Sapilitan na yata ang pagpapapunta nila.

Kahit papaano naman pala ay talagang may silbi siya kay Jaemin.

“Ang tagal mo.” masungit na sambit ni Ashley nang makalapit ako.

Binuksan ko ‘yung pinto. Need rin namin mag-ayos ng mga upuan dahil baka raw biglang may mag-ikot na visitors.

Hindi naman required sa amin um-attend pero lahat daw ng Class 5-A ay pumunta, kasi napakasipsip nila, kwento ni Ginger. Dapat dapat daw Class S sila, hindi Class A.

Hindi rin kami masyadong nakialam sa kanila ngayon kasi inaako na nila ‘yung buong trabaho. Naiinis halos lahat sa kanila, lalo na si Ginger kasi masyado raw silang pabibo.

For me... I‘m really, really glad, because it means an easy life for me, dude.

Although may binigay na namang task ang adviser namin sa akin, iyon ay ang mangolekta ng permit from my classmates na aattend sa concert mamaya. A concert and a night meant for the students only.

Bilib rin ako sa Marvel High dahil kahit halos lahat ng students nila ay abnormal—I mean, not ordinary students because they‘re a bunch of idiots, brats and jerks and of course, gangsters ay pinupush pa rin nilang gawin ang regulations nila.

For sure marami pa ring aattend mamaya sa concert na wala namang permit. Pero sa section namin kailangan kong masiguro na lahat sila may permit, because I‘ll be the one who‘ll get in trouble.

Hays. I wanna go home.

Since wala na kaming silbi sa Class A ngayon, tumambay nalang ako sa caf, kasama si Ginger at Erin...

“Hindi papasok si Kate?” natanong ko.

Para silang nagitla. Hindi sila sumagot. Natatarantang nagkatinginan...

“Nasan nga pala si King? Bakit di mo yata kasama ngayon?” tanong ni Ginger. Tapos nagsimula na silang mag-ayiee ni Erin.

Speaking of Kingkong... wala siyang paramdam kagabi hanggang ngayon. Bakit na naman kaya? He usually update me even if I don‘t ask him ‘to...

Bakit nga??

Eh siya pa ‘tong anak ng may-ari ng school tapos hindi aattend ng Opening Ceremony?

“I don‘t know. Don‘t ask me.” iritado kong sagot.

Makaraan ang ilang oras hindi pa rin siya dumarating o nagte-text man lang. I just hope he‘s okay... Tanga pa naman ‘yun.

Nga pala, si Kevin rin hindi umuwi kagabi eh. S‘an naman kayang lupalop nagpunta ‘yung unggoy na ‘yun? Did he perhaps went back to the jungle? Finally?

Anyway, wala rin si Alexander na umaaligid-aligid kay Jaemin. Baka magkakasama silang apat? May laban kaya?

Aish.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon