CHAPTER 27. TERRITORIES

4.4K 249 248
                                    

CHAPTER 27. Territories

THIRD PERSON POV

Mausok. Maingay. Iyan ang unang bubungad sa mga pumapasok sa gusali kung saan nagaganap ang malaking ilegal na pasugalan sa kanilang lugar. Lugar na isa lamang sa mga pag-aari at hawak ng isang gang na The Dawn.

Ang gang na nangunguna at pinakamataas sa Lungsod ng Lumiere, o ang First Territory kung tawagin sa Gangster Society.

Isang lalaki ang nagmamadali at tumatakbo, nilagpasan ang pasugalan hanggang sa makarating sa pintuang magdadala sa kaniya sa kanilang pinuno at iba pang nakatataas na miyembro ng kanilang grupo.

Nakuha ng lalaki ang atensiyon ng tatlo pang lalaki sa loob ng silid nang marahas niyang binuksan ang pinto.

“Ow! May humahabol na naman ba sayong aso?” biro ng isang lalaki bago ibalik ang atensiyon sa mga baraha.

“Raki! Bumalik na si Shadow!” sigaw ng humahangos pang lalaki.

Napairap sa kawalan ang babaeng nagngangalang Raki at hindi na nag-abala pang lingunin ang lalaki.

THE DAWN LEADER
GANGSTER QUEEN: RAKI

“Sigurado ‘kong peke na naman ‘yan! Lumayas ka sa harapan ko, may ginagawa ako!” sigaw ni Raki at ibinalik ang atensiyon sa mga baraha.

“Raki, wala siya sa harapan mo.” sabat ng lalaking nasa kanan ni Raki.

THE DAWN 1ST DIVISION COMMANDER
GANGSTER PRINCE: GIL

“Shut up!” Raki retorted.

“Your turn...” wika ng lalaki sa harap ni Raki habang nakakunot ang makakapal na pares ng kilay nito.

THE DAWN VICE-LEADER
GANGSTER KING: SIEGRAIN

“Raki, ang tagal mo! Matatalo ka rin naman bakit pinag-iisipan mo pa?!” singit ng lalaking nasa kaliwa ni Raki.

THE DAWN 2ND DIVISION COMMANDER
GANGSTER PRINCE: AUSTIN

Sinipa ni Raki ito at inambahan pa ng suntok.

“Make it fast.” wika ulit ni Siegrain na katapat ni Raki. Bahagya nitong binasa ang mga mapupulang labi gamit ang dila.

“Isa ka pang atat, Sieg!” inis na sagot ni Raki.

Tipanunan lamang ni Siegrain ng seryosong tingin si Raki. Binalik ni Raki ang atensiyon sa baraha, tiningnan niyang maigi ang mga ito at hindi niya mapagtanto kung anong dapat na susunod na ihuhulog.

“Hindi mo bagay mag-isip kaya itigil mo nalang.” masungit na sambit ni Siegrain.

“Nag-iisip ka? First time ah.” biro ni Austin. “Sa Uno ka pa talaga mai-stress?”

“Raki! Seryoso nga, bumalik na si Shadow!” tila nangungunsuming sambit nito dahil hindi siya pinagtutuunan ng pansin ng mga kaibigan lalo na ng kanilang pinuno. “Kasasagap ko lang ng balita, nag one-on-one raw si Viper at si Shadow, natalo si Viper!”

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon