CHAPTER 78. FINALE

6.4K 248 415
                                    

CHAPTER 78. Finale

THIRD PERSON

Dala ang ilang mga bagong bola at net ng volleyball, naglakad si Kianna at Mari pabalik sa quadrangle kung saan sila nagpra-practice ngayon.

“Ay punye—!” bulalas ni Kianna nang mabitawan niya ang isang bola.

Hinabol niya ang palayong bola, mabuti nalang at may mabuting loob na pinulot ito at binigay sa kaniya.

“Here...” the man said with a friendly smile while handing the ball to Kianna.

“Thank you po!” masiglang pagpapasalamat naman ng dalaga.

She secretly stared at him from head to toe because of his good looking features.

“Ah, by the way... Do you know a student named Gabriel Zamora?” he suddenly asked.

“Ah, yes po!” nakangiting sagot ni Kianna. “Pero bakit niyo po pala siya hinahanap?”

“Oh, I‘m Gabriel‘s older brother, Rio.” pagpapakilala ng lalaki.

“Oh? Really?” medyo gulat na sabi ni Kianna.

Wala kasing nababanggit si Gabriel noon na kapatid niya, akala tuloy ni Kianna ay nag-iisang anak lang siya. Sabagay, hindi naman rin talaga ma-kwento si Gabriel noon tungkol sa sarili niya.

Saka nga lang niya ito nakakausap ng madalas kapag nagtatanong siya tungkol kay Khali.

Ngayon niya lang na-realize na may pagka-mysterious rin pala itong si Gabriel.

“Classmate ko po siya last school year. Ano po palang maitutulong ko?”

“Oh! That‘s nice. What a coincidence...” Rio smiled while staring back at the clueless Kianna. “Sabi niya may Intramurals daw sila this week. Gusto ko sanang manood...”

“Ah, opo! Kaso sa pagkakaalam ko hindi siya sumali sa anumang sports eh...” tila nanghihinayang na sambit ni Kianna.

“Oh, ganon ba... Pero pwede pa rin naman akong manood, diba?” nakangiting tanong nito.

In fairness ang pogi rin ng kuya niya ha, kahit hindi sila masyadong magkamukha. Kianna thought.

“Oo naman po!” Kianna replied with a smile.

Bukas naman ang Marvel High ngayon. Hindi lang talaga ganon karami ang pumupunta gaya sa Interhigh. At saka, wala ang Four Dragons kaya hindi talaga ganon karami ang dumadayo. Iyong mga gusto lamang silipin si King o ang Four Dragons. Ang kaso, buong week wala si King ngayon.

“Really? I‘m glad... I want to see a particular person as well.” nakangiting wika nito.

Parang gusto tuloy itanong ni Kianna kung sino ito dahil sa kuryosidad.

“Ah, dito po pala ‘yung daan papunta sa gym...” Tinuro ni Kianna ang daan sa likuran niya. “Ongoing po ang archery...”

“So, anong oras ang volleyball?” tanong niya. “You know... the person I want to see is from the volleyball team.” aniya.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon