CHAPTER 36. EYES

4.6K 272 291
                                    

CHAPTER 36. Eyes

THIRD PERSON POV

Humigpit ang hawak ng dalaga sa binata, gayon rin ng huli. Matiim na nakatitig sa isa‘t isa at para bang wala na silang ibang nakikita kundi ang taong nasa harapan lang nila, ang taong kahawak at kasayaw lamang nila.

Sa bawat hakbang ng kanilang mga paa kasabay ng musika ay labis na emosyon ang kanilang nadarama... labis na inis.

“Aray! Walanghiya ka! Ang laki-laki mong kapre kung makabawi ka sa pag-apak kala mo wala nang bukas ah?!” gigil na sambit ni Erin habang hindi maipinta ang mukha sa galit.

“Sino bang nauna?!” tiim-bagang na baling naman ni Jaeshin.

“Hindi ko nga sinasadya ‘yung una!” katwiran ni Erin.

Napailing ng sabay si Kianna at Kevin na kanina pa sila pinapanood habang mukhang tanga na nag-aapakan.

“Akala ko nagcha-chacha sila!” Kianna said.

“Adik.” Kevin silently laughed.

“Eh si Khali, kumusta naman kaya?” Kianna said.

The two danced enthusiastically while moving to another spot to check on their friends’ well-being.

Mukha namang okay si Khali at Trevor. Maasahan nga naman talaga ang hari kapag kapakanan talaga ni Khali ang usapan. Hindi na nila kailangan pang mag-alala sa dalawa dahil tila maayos naman na ang relationship nila.

“Eh? Bakit nakapaa si Khali? Kala ko pa naman nag-sasayaw!” ani Kianna nang mapansin niyang nakaapak sa paa ng Hari ang kaniyang kaibigan.

“‘Yung dalawa nag-aapakan, ito naman... anong trip ng mga ‘to? Di ko ma-gets!” Kevin answered. “Move forward na kay Minmin!”

“Minmin ka diyan, ako lang pwedeng tumawag sa kaniya ng ganon!” Kianna claimed.

“Fine, fine!” pagsuko ni Kevin. He was about to give her a peck on the lips when she flinched backwards.

“Ano ba! You‘ll mess up my lipstick!”

“Sus, ang daming arte nito ngayon. Isa lang! Just have it fixed later!”

“Stop, Kevin!” she said.

“Ugh, fck lipstick.” Kevin muttered. Di kalaunan ay nagpasya na silang silipin sina Jaemin.

Maging si Alexander at Jaemin ay maayos ang lagay. Maayos naman sila sa pagsayaw ngunit napansin ni Kianna ang tila malungkot na mukha ng kaibigan.

Jaemin was kinda overthinking right now. She keeps thinking that, it wasn‘t her that Xander wanted to dance with... Xander just wanted to dance with the girl she look alike. His ex.

Kaya naman lumapit sina Kevin sa kanila at tinabig si Jaemin, napayakap si Xander sa dalaga upang saluhin ito.

“Oops, sarreh!” Kianna said with sarcasm. “Uy, ikaw pala ‘yan Jaemin!”

“Are you having a good time, Jaemin?” Kevin asked with a smile. Ngunit hindi ito sumagot.

“Ano ba kasing iniisip mo? Mukha kang lutang kaya. Mag-usap naman kayo! Napilitan ba kayo mag-sayaw?” Kianna asked.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon