CHAPTER 63. ANIKI

4.5K 241 262
                                    

CHAPTER 63. Aniki

KHALI‘S POV

I checked my phone for the nth time. Sabi niya, Friday siya uuwi pero Sunday na ngayon wala pa rin siya.

Did something happen?

He never contacted me since the day he left. I don‘t know if I should be mad or sad?

Humanda talaga siya sa akin pagbalik niya.

Babalik pa kaya siya?

Of course... right? Dito siya nag-aaral, eh. Dito siya nakatira... Diba?

He‘s not going to break his promise, is he?

Hindi rin ako mahilig mag-text o tumawag sa kaniya. Ganito rin ba ‘yung nararamdaman niya kapag naghihintay sa tawag ko? Is he intentionally making me feel it? Is this my karma?

I sighed. Kung anu-anong iniisip ko. Malamang busy lang ‘yun. He needs to rest, too. It‘s not always about me.

Dahil wala pa siya, ako nalang ang pupunta kay Brent mamaya. Kaso biglang tumawag si Kian, labas daw kami. So, nag paalam ako kay Brent na hindi muna makakapunta.

Humiga ako sa couch at sinindi ang TV. Maaga pa naman. Manonood muna ako ng anime. Maya-maya, may kumatok sa pinto.

Bagot akong tumayo at pumunta sa pintuan para pagbuksan itong lintek na bisita. Pagbukas ko ng pinto may bumungad sa akin na weirdo.

A curly haired man with a big specs on his eye. Nakasuot rin siya ng puting polo shirt. Na-alerto ako nang bigla niya akong lapitan at akmang ikukulong sa mga braso niya ngunit mabilis akong nakalayo.

“Who are you?” malaming kong wika.

“Mouuuuu! Just one hug, baby!” yamot na wika niya.

The threat I‘ve felt earlier vanished. I stared at him with a poker face when I realized who it was basing on his voice.

“Aniki?” Ah, he‘s wearing a disguise.

Yamot niyang tinanggal ang wig at hinagis sa sahig. Hindi lang ‘yun ‘yung suot niya, may nakapatong pang silicone mask kaya hindi ko talaga siya nakilala. A silicone mask that looks way too real. Common skill ng Tartaros reapers, a complete disguise. It makes job easier.

Tinanggal niya rin ito kaya muli ko na namang nasilayan ang mukha ng unggoy.

Muli siyang naglakad palapit sa akin habang nakabuka ang mga braso at handa na naman yumakap kaya mabilis rin akong lumayo.

“Shiro-chan!” he called out with a pout.

“What are you doing here? Alam ba ‘to ni Izu?” bagot kong tanong.

“Of course, not!” he replied with a smile. “He‘ll find out soon. Whatever! Who fcking cares? I don‘t need anyone‘s permission to see my lovely sister.” Kulang nalang ay umirap siya.

“Go home.” I said while still trying to avoid him, because he is still chasing me.

Bigla siyang tumigil at nagpamewang. He looks massive. He‘s tall, more than 6 foot and with well-defined body. He‘s big yet he‘s acting childish in front of his little sister just for a hug.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon