CHAPTER 60. CONNECTION

4.6K 227 190
                                    

CHAPTER 60. Connection

KIANNA‘S POV

Wow! Wow!

Hindi pa ako nakakapasok sa venue nakanganga na ako dahil sa labis na pagkamangha. Mas malaki ito compare sa napuntahan naming branch noon sa Philippines!

Grabe andiyan rin ang press at mga paparazzi na walang tigil sa pagkuha ng litrato mula sa paglabas ng mga bisita sa kanilang mga sasakyan hanggang sa makapasok sila sa venue—Yamada Hotel.

Kaya nga balot na balot ang mukha ko ngayon kasi ayaw kong makuha sa camera. Mommy held my hand as she walked through the red carpet and unstoppable flashes of camera.

“Close your mouth, anak.” bulong ni Mommy nang makapasok kami sa loob.

Paanong hindi ako mapapanganga. Napakaliwanag. Napakaganda. Siguro mukha akong ignorante dahil sa paglinga-linga ko sa paligid at pagtingala sa eleganteng mga chandelier sa taas. Ang taas rin ng ceiling ha!

“Sorry na, namangha lang ako!”

Nag-check in muna kami ni Mom, to confirm that we we‘re really officially invited to this exclusive event.

Habang naglalakad kami hindi ko talaga mapigilan mapatingin sa interior.

The interior is filled mostly with glamorous white and gold colors. I‘m not sure but I think there‘s this Italian style feels of the hotel, base on the exterior and interior design. The design of the columns, floors and walls are very fancy, I kennat!

I really can‘t help to be impressed. Everything looks fancy and dazzling!

This place screams luxury!

This is not the first time I went to a luxurious hotel and party but this is the best that I‘ve been so far.

Nasa hallway palang kami niyan ah!

I don‘t know if it‘s because today is Shuuichi Yamada‘s 28th birthday, kaya ang gara-gara ng mga palamuti sa hotel na ito o ganito na talaga dito? Ngayon lang naman kasi ako nakapunta sa ibang branch ng Yamada Hotel.

Nandito kami sa isang branch dito sa Macau! I heard from Mommy, ito raw ‘yung first branch dito sa Macau. Kaya siguro ang gara! Saka birthday lang naman ng may-ari nito ngayon kaya dapat talaga bongga!

Bakit nga ba ako nandito? Syempre pinilit ko si Mommy na isama ako tutal hindi naman makakasama si Ate! WAHAHAHAH!

Lahat ng imbitado mukhang mayayaman. Ang gaganda ng suot nila, omg! My heart! Parang gusto kong hawakan isa-isa lahat ng gown at tuxedo na nakikita ko!

Syempre, hindi rin naman basta-basta si Mommy kaya nga na-invite siya dito. She‘s an actress and a supermodel in US and she‘s here as an MC. I think she was invited through one of her connections. Sobra akong na-excite nang sabihin niyang isasama niya ako kaya hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi n‘on! Siguro may balak rin si Mommy na pumasok sa business?

Oha! Ang taray ni Mamah!

Nung nasa main venue na kami lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko dahil sa excitement. Dito na kasi nag-gather ang mga kilalang personalidad rin, mostly in the field of business.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon