CHAPTER 51. FURY

5K 263 235
                                    

CHAPTER 51. Fury

THIRD PERSON POV

Bumaba si Trevor sa mula sa Dia at pumunta sa locker room para magbihis saka dumiretso na sa gym para sumali sa basketball practice. Pakiramdam niya kasi mababaliw siya kapag nag-stay pa siya sa Dia na mag-isa at walang ginagawa.

Gusto niya sanang libangin ang sarili niya para kahit papaano naman ay pansamantala niyang makalimutan ang nangyari kanina. Ngunit hindi niya inaasahan na makakasabay na naman nila ang volleyball team, at hindi niya namamalayan na hinahanap na naman niya si Khali...

Kahit naman nag-away sila, hindi naman ibig sabihin nun ay ayaw niya na itong makita ulit.

“Trev! Khali looks pale.” rinig nito na pagsusumbong ni Kianna. Kaya naman mabilis na lumingon si Trevor kay Khali.

Bumilis ang pintig ng puso ng binata nang magtagpo ang mga mata nila. Ngunit agad rin itong nawalan ng sigla dahil sa ibinigay niyang tingin. There wasn‘t even a hint of longing in her eyes. It seems like she was completely fine that he wasn‘t worrying about her. Nilayo ni Trevor ang tingin sa dalaga upang pigilan ang sarili na lumapit dito.

“Damn it...” Trevor muttered.

Hindi siya maka-focus sa game ngunit pinipilit niya pa ring maglaro para lang maging abala siya at mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung anu-ano.

Why is she pale?

What happened to her?

Fck. What should I do?

Habang abala sila sa sariling laro, natigilan si Trevor nang makarinig siya ng ingay sa volleyball court. Hindi man niya alam kung ano ang nangyayari sa gitna ng kumpulan, ngunit dahil sa pag-aalala ay tatakbo na sana ito papunta sa volleyball court ngunit natigilan siya nang makitang mabilis na tumakbo sa gawing iyon si Gabriel.

Tila nawalan ito ng lakas ng loob. Para bang wala siyang karapatang lumapit at mag-alala dahil alam niya sa sarili niya na nag-dalawang-isip pa itong lumapit.

“Huy, Trev! Khali got hurt!” ani Kevin kay Trevor.

“Why are you looking at me as if I pushed her?” Trevor said. He tried to maintain a straight face but it was too hard for him to act like he didn‘t care.

“Hindi mo ba pupuntahan ‘yun?” tanong ni Kevin.

Parang may bumara sa lalamunan niya. Gusto niya, ngunit may kung anong pumipigil sa kaniya.

“It‘s fine. She can manage.” sagot ni Trevor.

“Don‘t do something you‘ll regret later.” Kevin warned.

“Why don‘t you help her if you‘re that worried?” wika ni Trevor.

Help her... Help her, please...

“She‘ll be fine. She has a lot of people willing to help her anyways.” dagdag nito na siyang tuluyang pumigil sa kaniya sa paglapit.

“Neither me or those people are whom Khali needs.” Kevin emphasized.

A hollow chuckle escaped from Trevor‘s lips.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon