CHAPTER 53. TRUST

5.3K 250 622
                                    

CHAPTER 53. Trust

THIRD PERSON POV

Pinagmasdan ni Trevor ang natutulog na imahe ni Khali habang marahan niyang hinahaplos ang buhok nito.

Tumayo at akmang aalis na ito nang hawakan siya ni Khali upang pigilan.

“Where are you going, Kangaroo?” tanong nito gamit ang mahinang boses.

“Kukuha lang ako ng tubig.” wika nito nang may maliit na ngiti sa labi. “I‘m not going anywhere, so rest assured...”

“Go home. You should rest, too...” a ng dalaga.

“Later... kapag tulog ka na.”

“Okay...”

“I‘ll be back...” sabi ni Trevor saka nito hinalikan sa noo bago lumabas sa kwarto.

Pagsara nito ng pinto ay napahinto siya at napasapo sa noo. Nanghihina ito. Hindi niya kaya na nakikitang ganon ang lagay ni Khali. He wants to see her doing well and always cheerful.

Lumingon siya sa kaniyang kanan nang maramdaman ang isang presensiya. Nagkatinginan sila ni Jaemin. Kinabahan ang dalaga ngunit nalulungkot rin ito dahil nakikita niyang nahihirapan si Trevor.

“I think... she‘s more broken than we thought...” ani Trevor sa mahinang boses.

Jaemin took a deep sigh. Trevor flashed a weak smile before he left Jaemin there and went downstairs to get a fresh air.

Dahan-dahang binuksan ni Jaemin ang pinto ng kwarto. Nang sumilip siya ay nadatnan niyang nagtatanggal ng damit si Khali. Pumasok siya at kumuha ng damit pantulog sa cabinet nito bago siya lumapit sa huli.

“Let me help you...” Jaemin offered.

Umupo siya sa tabi nito at tinulungang hubarin ang t-shirt nito. Pati na rin ang kaniyang panloob na sando.

Natigilan siya at napatitig sa kapansin-pansin na mga marka sa kaniyang likod. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin magawang tingnan ito nang hindi nakakaramdam ng bahagyang takot... at lungkot.

Her back is covered with striking image of two sets of prominent things. One was a bloody katana twined by a horrifying three-headed snake which almost covers the back of her shoulders while the tail almost reaches up to her side.

The other was one is a set of long and strange scars... Jaemin traced the scar while still wondering... where did she get these scars and why?

“Aren‘t you going to help me get dressed?” Khali asked with an impassive tone.

“Nadagdagan na naman peklat mo...” Jaemin stated while she was helping her put the clothes on.

Habang sinasara ni Jaemin ang mga butones sa damit ay napansin niya ang peklat sa kaniyang tiyan.

“Ayaw mo naman sabihin kung paano mo nakuha ‘yan...” Jaemin pouted.

“You‘ll cry again if I tell you.” sagot ni Khali at siya na ang nagtuloy sa pagsara ng butones.

Niyakap siya ni Jaemin at marahang pinatong ang ulo sa balikat niya.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon