CHAPTER 29. ANNOYING

4.6K 287 531
                                    

CHAPTER 29. Annoying

KHALI‘S POV

Natanaw ko si Kangaroo sa oval habang nagre-ready sila sa palarong tug of war. Habang kami naman nandito sa retractable tent, na siyang sinisilungan namin at kung saan nakalagay ang mga gamit ng Class 5-E.

Kangaroo mouthed “I love you.” as he look back at me. Hay nako...

At bakit ganiyan ang arrangement nila? Nasa unahan si Kangaroo tapos puro babae ‘yung nasa likod niya...

Dito lang talaga siya nakatingin hanggang sa magsimula na ang laro.

“I-cheer mo naman si Trev, Khali!” Kian said and nudged me.

Tinatamad ako gumalaw. Ang init. Nananalo naman ‘yung group ni Kangaroo kaso biglang lumipat ‘yung hawak ng mga babae mula sa tali papunta sa hari. Nagtitilian pa sila at nagtutulakan.

Halos mapatayo ako sa inis dahil sa nakikita ko.

Seriously?!

Sinamantala ang gagu.

Nagkanda punit-punit na ‘yung damit ni Kangaroo kaya bumitaw siya sa rope at tinanggal ‘yung mga nakahawak sa kaniyang babae.

Kaya ang resulta ay natalo sila.

“Ang lalandot! Bilib na naman ako!” Ginger exclaimed.

“Ay grabe, payag ka n‘on Khali kung sinu-sinong humahawak sa Kangaroo mo?!” sabi ni Kian na parang prino-provoke ako.

Yamot na yamot si Kangaroo habang nakaharap doon sa mga ka-team niya. I think he‘s kinda scolding them.

Maya-maya palapit na siya sa gawi namin habang tinitignan niya ‘yung punit-punit niyang damit.

Bigla niyang hinubad ‘yung t-shirt niya. He walked towards here with that exposed upper body. Nagtilian lalo ‘yung mga asong naipit sa paligid.

“Khali! Pwede pahiram niyan?!” Ginger once again joked. Tinignan ko lang siya. Nag-peace sign ito.

What the hell? Why did he just stripped? Pwede naman tiisin ‘yung damit hanggang makarating dito ah?

Nakangiti siya sa akin habang patakbo siyang lumalapit.

“Liliiiiii!” masigla niyang pagtawag.

I punched him in the stomach as soon as he arrived across me. Nang mapayuko ito ay mabilis kong pinulupot ang towel sa leeg niya at bahagyang hinigpitan ito, not to the point that he gets strangled, tho.

I‘m just so annoyed...

I stared at him with an impassive expression. I automatically closed my eyes when he suddenly kissed me under my left eye, without even bothered of what I did to him.

Unti-unti kong binitawan ‘yung towel...

Marahan akong siniko ni Kianna. “Grabe ka! Napaka-sadista mo, Khali!” anas niya.

Hindi naman malakas suntok ko, OA lang talaga si Kangaroo. Psh.

Kangaroo chuckled.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon