CHAPTER 22. HELP

4.3K 262 187
                                    

CHAPTER 22. Help

KHALI‘S POV

I sighed as I look at the three girls with me who are simultaneously applying powder on their faces.

“Bakit si Kate pala hindi sumabay? Di raw nasi-CR?” tanong ni Jaemin.

“Sabi niya susunod nalang.” Erin replied.

Akmang lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Kianna.

“Wait, Khali. Try mo nga ‘tong bago kong pabango!” sabi niya.

“Stop. I don‘t like perfumes.” I refused. Nginiwian niya lang ako.

“Tara na?” tanong ni Erin.

Sa wakas lumabas na rin kami sa CR. Ang tagal nila mag-retouch -____-

“Would you like some dessert, Lili?” bungad na tanong ni Kangaroo habang nakataas ang mga kilay.

Umupo ako sa kabilang side ni Kangaroo kasi nakaupo na si Kate doon sa inuupuan ko kanina.

“Of course.” I replied.

“I‘ll go get some.” he said and stood up.

“I guess, me, too!” wika ni Kate at tumayo na rin.

“Kayo?” I asked the three girls.

“Anong gusto mo, Jaemin?” singit kaagad ni Alexander.

“Kahit ano nalang...” tila nahihiyang tugon ni Jaemin.

Jaemin said that Alexander is not courting her. Pero ‘yung mga ginagawa niya kay Jaemin parang nanliligaw—nagpapadala ng flowers, hinahatid-sundo sa SSC Office.

Jaemin assumes that he‘s just trying to apologize on her about what happened before. Ang tagal na nun. Medyo tigasin rin ‘to si Jaemin pag tungkol sa ganitong bagay.

“Kangaroo, kuhanan mo na rin si Erin...” Wala kasing kwenta ‘yung isa diyan. Tsundere.

Nagkatinginan kami ni Jaeshin. Tinapunan niya ako ng masamang tingin.

“Sure,” Kangaroo replied before he went off.

“Huy! Okay lang ako.” ani Erin. “Pero thanks!” she giggled.

Sumunod naman kaagad si Jaeshin. Lol. I‘m pretty sure he‘s going to get some for Erin. Si Kianna naman tinanong ni Kevs pero ayaw daw niya dahil nag-da-diet siya.

Napatingin ako sa phone ni Kangaroo na naiwan niya sa table. Vibrate nang vibrate. Sinilip na tuloy ni Kianna.

“My gosh, new set of desperate frogs.” ani Kian.

I shifted my gaze on her.

“Hindi niya sinasabi sa‘yo? Ang dami kayang nagcha-chat sa kaniya. Naikalat yata ‘yung kakaotalk ID niya pati number. Tinanong pa nga niya sa‘kin kung magagalit ka daw ba kapag blinock niya ‘yung mga friend mo kasi sobrang kulit na nila. Sabi ko, mygosh, Khali don‘t make friends with just anyone kahit classmate niya. Alam mo namang snobber ‘yun, duh!” pagku-kwento niya na may kasamang pag-irap pa. “Ayun pina-block ko lahat ng nagtetext and chat sa kaniya tapos ngayon meron na naman. This time need niya na talaga mag-change ng number.”

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon