CHAPTER 68. IGNITE

4.6K 212 153
                                    

CHAPTER 68. Ignite

THIRD PERSON POV

Flashing lights and loud music mixed with laughter and conversations. The smell of alcohol and cigarette circulated in the club.

“Kung maibibigay mo sa‘kin ‘yung number ng gwapo mong ka-member baka pumayag ako...” wika ng babaeng kanina pa kinukulit ng isang lalaki.

“Sino dun? Ako ‘yung pinaka-gwapo sa gang namin.” he said with confidence.

ROJAN TOP GANG
RED SUN MEMBER
GANGSTER PRINCE: JOHN-JOHN

“‘Yung mala Leonardo...” sagot ng babae.

“DaVinci?” tanong ni John-John.

“Hindi!” Bahagyang natawa ang babae sabay hampas sa balikat nito. “Leonardo DiCaprio...”

“Si Henry?” hula ni John-John. Bukod naman kasi sa leader nila, si Henry ang pinakakilala pagdating sa itsura. “Hindi ‘yun interesado sa babae.” biro niya ngunit naniwala ang babae.

“OMG! You mean, gay siya?” bulong ng dalaga. “Sayang ang gwapo pa naman...”

Bahagyang natawa si John-John dahil sa naging reaksiyon ng babae.

“Sige, ikaw nalang...” dagdag ng babae at lumapit sa binata.

“Sige...” John-John smirked.

Lumapit ang babae at akmang hahalikan na si John-John nang pigilin siya nito.

“Sige, makakaalis ka na—ang ibig kong sabihin.” John-John said with a friendly smile before he stood up and left the girl dumbfounded.

“Tarantado...” bulong ni Jeric habang tinitignan itong paalis, at mukhang maghahanap ng ibang lalandiin.

RED SUN MEMBER
GANGSTER DUKE: JERIC

Napasapo ito sa mukha nang lumingon siya sa kaniyang kanan at nakitang may kahalikan paring babae si Vander. Nakapatong ang babae sa ibabaw ni Vander na pirming nakaupo sa couch. Wala namang bago sa mga ganitong eksena ngunit sa pagkakatanda niya, inuman ang ipinunta nila dito ngayon!

RED SUN MEMBER
GANGSTER PRINCE: VANDER

Ito, ito talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto nilang nagpupunta sa club na ito dito sa boundary ng Rojan at Asul kahit marami namang club sa kanila—mga babae.

Malapit rin kasi ito sa university na pinapasukan ng ilan sa kanila.

Umalis siya at lumipat nalang ng ibang table.

John-John went back to their seat with a new girl. Now there‘s two pairs making out in the couch.

“Hindi mo ba ako dadalhin sa bahay niyo? Hindi na ako makapaghintay, babe.” the girl on top of Vander spoken as her lips trace his neck.

Vander opened his eyes and suddenly caught a glimpse of a familiar person in the dance floor. Expressing the joy of the music through her body.

“Putang...” Vander muttered. Nilihis niya ang mukha nang akmang hahalikan ulit siya ng babae dahil kailangan niyang masiguro kung tama ba ang nakikita niya. He shoved the girl away from his lap.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon