CHAPTER 75. GANGSTER KNIGHT (PART 2)

5.3K 260 298
                                    

CHAPTER 75. Gangster Knight (Part 2)

KHALI‘S POV

Hininto ko ang motor. Ganon rin sina Monki. Medyo bad mood siya. Ang alam ko, hate na hate niya talaga ‘yung pinapasok ng ibang gangsters ‘yung Lumiere nang walang pasabi sa kaniya.

Bumaba siya sa motorbike niya at lumakad palapit sa akin.

“Baba!” utos niya. She‘s glaring at me, like she‘s itching to punch me in the face.

Bumaba ako at tinanggal ang helmet. Kumunot ang noo niya at biglang kumalma.

“Teka... I‘ve seen you before...” aniya. She placed her fingers on her chin as if she was thinking deep. “Yeah! From Marvel High!”

Eh? Ang talas naman ng memorya niya? Isang beses niya lang ako nakita...

Bigla siyang ngumiti. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng ‘to?

“Why are you here?” tanong niya.

“I‘m lost.” I said.

“Why do you have this?” tanong niya sabay sipa nung motor ng Red Sun.

Hindi ako nagsalita.

“Come with us.” she said.

“No. I have to go.” pagtanggi ko.

“Do you think you have the privilege to choose right now?” seryoso niyang wika.

Pinasadahan ko ng tingin ang members ng The Dawn sa likod niya. There were at least seven Gangster Royalties, excluding Raki in front of me.

“There must be a reason why you‘re driving that vehicle...” Seigrain said.

I can‘t tell them why. Baka mamya magka-ideya rin sila.

“I‘m confiscating this.” ani Monki sabay sipa ulit nung motor.

You can‘t do that. I have no money or phone! How am I suppose to go home?!

In the end, sumama rin ako sa base nila. Pinagtitinginan ako ng mga members niyang naka-upo sa gilid habang papasok kami.

Wow. Ang lamig dito...

Nag-iba na? It wasn‘t the same shabby place like before.

I‘m glad I came. At least, hindi na ako maiihaw sa labas.

Pagkain nalang kulang.

Pwede kayang umutang kay Monki?

“Hindi ka makakatakas dito kaya wag ka nang magsayang ng panahon.”

Luh.

I‘m pretty tired, actually. Kaya wala talaga akong balak tumakas -__-

Pero wala naman rin akong balak hintayin na ipahanap ako ni Kangaroo sa buong lalawigan!

Wala rin akong maisip na paraan para makaalis dito. Wala akong pera.

Magpapahinga muna siguro ako. Tapos magnanakaw nalang ulit ako ng motor nila.

Nagugutom ako. Tanghali na. Lunch ko na. Kangaroo will surely call me. Baka nga kanina pa ‘yun tumatawag...

“Hi, uhm... what‘s your name?” tanong ng isang lalaki. He‘s quite fair, has brown eyes and a friendly smile.

“Khali Vernon...” bagot kong sagot.

“I‘m Gil...” pagpapakilala niya.

Kung nasa normal na sitwasyon lang ako, hindi ko tatanggapin ‘yung kamay niya. Pero dahil nasa Lumiere ako, sige.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon