CHAPTER 69. PLAYED

3.9K 206 81
                                    

CHAPTER 69. Played

THIRD PERSON POV

Nakahinga ng maluwag ang dalawa ng makalagpas ang mga naghahanap sa kanila.

“Adi...” nakasimangot na wika ng dalaga habang tinitignan ang mga sugat nito sa mukha. Marahan niyang pinunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi.

“A-Ayos ka lang ba? Anong ibig mong sabihin na may humarang sayong Blue Moon? Hindi ‘yun kayang gawin ni Apollo...” nag-aalalang tanong ni Adi.

“Habang pauwi nga ako, may humarang sa akin na mga naka-blue at naka-facemask. Parang kanina lang, ‘yung mga bumugbog sa‘yo naka-mask rin diba? Feeling ko talaga hindi sila member ng kahit na anong gang, eh!”

“You mean, someone planned this? Bakit? Eh, magkaaway na nga ang dalawang gang...”

“Ayun na eh! Maybe they used us a tool para mas lalong lumalim ang galit nila sa isa‘t isa!” Vanessa said.

“OMG! This is so, so serious! Si Kuya sobrang nakakatakot ‘yun pag nanagalit! Hindi niya palalagpasin kapag nalaman niya na may nagtangkang manakit sa akin, tapos ang sisisihin niya pa ay ang Kuya mo!” dagdag niya.

“They might really kill each other.” Adi muttered when he realized that his brother is also that type of person.

Siguro nga kaya sila dinamay sa kaguluhang ito dahil gusto nilang lalo pang galitin ang dalawang kampo.

“We need to help them, Adi!”

Adi nodded and held Vanessa‘s hand as they run off. Dahil usap-usapan ang pagsugod ng isa‘t isa ay agad na nalaman ng dalawa kung saan nagaganap ang laban.

Humahangos ang dalawa nang makarating sila sa pinagyayarihan ng laban habang magkahawak ang kamay.

“Oh... My gosh!” Vanessa exclaimed as they witness the huge gang war down the bridge. “Adi, anong gagawin natin?! Mukhang hindi na sila mapipigilan!”

“This is bad! They‘re throwing punches as if they want to kill each other...” Halos hindi makapaniwala si Adi na ganito kagulo ang mga pangyayari kapag nag-aaway ang dalawang ito. Pero ngayon, pakiramdam niya mas malala talaga.

Kahit na natatakot ang dalawa na madamay sa kaguluhan ay naglakas ang mga ito na lumapit. Ang kailangan lang naman nila ay makalapit sa isa sa mga ito. Kailangan nilang humingi ng tulong para makalapit sila sa dalawang leader at maiparating ang nais nilang ibahagi.

“Kuya—kyaaah!” Napatili si Vanessa nang muntik na siyang ma-atrasan ng dalawang nagsusuntukan na nilapitan nila.

Everyone was busy. Fighting with rage. They couldn‘t even notice that the people they were looking for are already right beside them.

“Mga kuya! Hello?! I‘m here! Where is Valente?!” sigaw ni Vanessa. But nobody can hear her or nobody had the leisure to notice her.

Ngayon napagtanto ni Vanessa at Adolfo na kailangan talaga nilang makausap mismo ang dalawang leader. Sila lang ang may kayang patigilin ang gulong ito at wala nang iba. It left them no choice but to enter the chaos and find the leaders which they pressume is fighting in the middle of this war.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon