PHASE 8

16 4 0
                                    


"Hija, tabe!"

Muntik na ako atakihin sa puso ng matanto ko may tricycle na malakas na bumubusina sa likod ko at ang masamang tingin at sigaw ng driver ang bumungad sa akin pagkalingon 'ko.

"Ano, hindi ka ba tatabe!? Tatanga-tanga ka! Gusto mo bang magpakamatay, Hija!?" untag pa ulit ni Manong na mukhang mas bulok pa sa ampalaya sa pait ng kanyang itsura.

Wala sa sariling ako ay tumabi habang tinitingnan lang ang iritadong mukha ni Manong driver na mukhang bitter. Wala akong paki ngayon, at pakiramdam ko'y hindi naman ako natitinagan sa kaniya.

Napabuntonghininga na lamang ako ng malalim sa bulyaw ni Manong. Siguro nga tanga nga talaga ako... para maniwala ako. Inaamin ko na ang tanga ko sa part na iyon at pinaniwala ko ang sarili ko at nagawa akong utuin at magpauto para mailagay ko ang sarili ko sa panganib. Napatunayan ko nga kung gaano ako kabobo para hindi maisip 'yon at nagpadalos-dalos ako.

"Gusto mo ba talagang magpakamatay, hija!?" tanong niyang muli sa akin.

Umiling ako kay Manong. "Hindi po, kayo ho ba? Gusto mo rin bang mamatay, Manong?" pabalang kong sagot dahil nawawala na naman ako sa sarili ko.

Napakunot ito at napatikhim. Bahagya siyang natigilan sa balik na tanong ko sa kanya.

"H-Hindi rin hehe..." sabay kamot nito sa kaniyang batok na parang may na-realized sa sarili.

Napairap ako kalaunan. "Yun naman pala. Oh, edi ikaw ang tumabe!" singhal ko na ikinaigtad niya.

Nagulat naman ito sa aking pagbulyaw ngunit nakabawi rin sabay balik muli ang iritado nitong itsura. "Eto na! Eto na! Aba't... ang baliw na batang ito! Wala ka sigurong jowa!" balik na singhal nito.

"Wag kang mamersonal dahil hindi mo naman ako kilala!" napupuno kong sagot.

Madaling-madali ito sa pagmamaneho gayong parang wala namang ihahatid dahil tanging siya lamang ang nasa tricycle at isa pa, halos malawak naman ang kalsadang ito. Nakapagtataka nga at ako pa'y pinapatabi niya gayong nasa tamang daan naman ako.

Kundangan baga naman isang tanga't-kalahati si Manong ay sa sidewalk pa siya nadaan, hindi mismo sa daraanan ng mga sasakyan.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naiiling. Medyo na guilt naman ako sa pambulyaw ko sa kanya kanina. Eh kasi naman... hindi naman niya kasi ako kailangan pang murahin at personalin!

"A-Abat...Kung gusto mong magpakamatay, huwag rito! Gusto mo ba talagang mamatay!? Pumunta ka na lang sa tulay!" pahabol pa ni Manong bago ito tuluyang makaalis sa tabi ko.

Hinayaan ko na lang siya maninghal at hindi ko na lamang siya ginantihan.

Mainit ang panahon kung kaya't naiintindihan ko kung bakit ang halos lahat ng tao ay mukhang iritado. Ngunit sa akin, kahit na maraming dumadagasang sasakyan, kahit pakiramdam ko'y nangangasim na ang amoy ko ay parang wala yata akong pakialam sa paligid habang naglalakad sa kainitan kahit na ako'y pinagpapawisan.

Halos hindi ko na nga alam kung saan ako dumaraan. Hinayaan ko na lamang ang mga paa ko na maglakad kung saan habang malalim ang iniisip ko.

Natutulala, at parang sirang plakang naglalaro sa utak ko ang pangyayaring hindi ko makakalimutan sa tanang ng buhay ko.

Muntik na talaga ako 'ron.

At sa muntikang pangyayaring iyon ang naging dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos sa mga nagdaang linggo at buwan. Sariwa pa rin sa akin ang lahat. Nakakapraning at higit sa lahat ay nakakamanhid at nakakawala sa sarili kapag sumasagi sa isipan ko ang ganung senaryo. At kahit anong pilit ko na huwag isipin ay lalo ko lamang naiisip.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon