PHASE 21

24 5 0
                                    


Viceroy L'Ermitage Beverly Hills'

That's what is engraved at the top of the hotel that almost salutes my head here.

I knew it. Tama nga ang gagang si Mariposa. Kilala itong hotel na ito sa buong Los Angeles na pinaka maganda at mayayaman lang nakakapasok kaya naman... first time ko lang mapapasok ito sa tanang ng buhay ko!

Oh my gosh! This is one of among the finest of Beverly Hills California luxury hotels, a stately property embodying the spirit of a sophisticated private club and a gracious urban residence. This is renowned for its legendary elegance!

"Here we are..." excited na kanya-kanyang sambit nila nang makababa kami sa kotse.

Sa loob-loob ko, habang tinitingnan ang malaking hotel na ito ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kasabikan. After naman siguro ng duty ko, at kung malaki ang mahihita ko ay kahit isang beses man lang ay maranasan kong makatulog dito, magcheck-in at magpakasarap kahit sa isang saglit lang para sa aking kaarawan. Maramdaman kung ano ang pakiramdam na masarap at mayamang buhay.

Bago kami makapasok ay may sumalubong pa sa aming mga staff sa mismong entrance upang bumati sa amin. At as usual, ang mga nakikitang tao ay halos hindi patapon ang buhay at hindi mukhang basura, para silang kumakain ng detergent o umiinom ng alcohol sa sopitikadang dating at linis nila. Halos manginang ang kanilang dating na lumilitaw sa karangyaan mula sa kanilang ginto't-pilak na kolorete at suot.

Lahat mga galante at halatang bigtime.

Naglalakad na kami papasok ay hindi ko maiwasang mapanganga sa eleganteng dating ng lugar na ito. It's really glamour and indulgence.

Goddamn it. I really like it here.

Parang nahiya naman ang sarili ko na makapasok rito kapag nakikita ko ang mga prestihiyoso at mayayamang tao na lumalabas mula sa residential suites nila para siguro sa reservation VIP's dinner nila, o tamang sabihing para makapag liwaliw pa ngayong gabi. Mabuti na lamang na kahit revealing ang suot ko ay nakapagdala pa ako ng maayos na winter long coat para naman hindi ako magmukhang naliligaw na pokpok rito.

Bukod pa ron ay may mga ilan pa akong nakikitang mga sikat na models na kilala dito sa ibang bansa. Pamilyar, dahil madalas pa'y bukod sa commercial at sikat na mga nirarampa nilang clothing lines at ilang sikat na may lagdang produkto, madalas ay mga ilang mukha na nakakasalubong namin ay nakita ko na rin sa malalaking billboards sa City ng Los Angeles .

I sighed. Ang mga taong nakikita ko ngayon ay mga masasarap at pinagpala ng magagandang buhay.

Kung may pera lang ako, mas gugustuhin ko ritong manatili habang nagtatrabaho, pero bago yun, siguro kakailangan kong magkasugar daddy na bigtime bago pa mangyari ang gusto ko. Or... doblehin pa lalo ang mga raket ko sa isang araw at buong linggo. Masyadong suntok sa buwan pa ngayon. Eh, yung pagpapacheck-in pa nga lang dito ay baka singlaki lang o mas malaki pa sa binabayad kong tuition ng mga kapatid ko, eh?

Baka pilay o gumapang na ako 'pag sinubukan ko pa rito.

Siguro marami naman ditong matatandang tigang na uugud-ugod, asawahin mo lang ng saglit, matapos ang dalawang taon, hihiwalayan mo rin, o 'di kaya ay intayin mo na lang na matigok siya hanggang sa ikaw na ang makakuha at sayon a nakapangalan ang buong kayamanan niya.

Pero hindi keri ng bituka ko yun. Mga walang puso lang siguro ang makakagawa nun, no! Yung tipong talagang planado. Pokpok man ako, maalam rin akong mahabag no!

Maya-maya ay agad naman kami pumasok sa elevator. Pinagmadali pa kami ni Mr. Clean, para siyang naiihi na ewan sa pagmamadali niya. Mukha pang iritado dahil sa pagkakadurit pa ng dalawang kasama kong babae na mai-ingay na nga, ay lumalandi pa kay Teletubby. Talagang kahit saglit ay hindi man lang naki-join si Mr. Clean, maski-pahipo lang o puchu-puchu ay wala.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon