PHASE 34

30 5 0
                                    


Hindi ko alam na hinahanap niya rin pala ako ng mga oras na iyon. At bakit naman niya ako hinahanap?

Napabuntong-hininga ako sa naging turan niya. Na para bang inis na inis siya habang sinasabi niya iyon. Hindi ko maiwasang mapairap.

"We're just dancing. He requested me to dance with him, pinaunlakan ko lang. I didn't realize that he was..." natigilan ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa batok ko na tila pinapatakan ako ng mararahang halik. Napabuntong-hininga ako ng malalim at saglit pumikit ng mariin at pinilit na ituloy ang sasabihin. Damn it! He's distracting me! "... he was already drunk that time, and... and I'm drunk too. And I didn't like him. Doesn't mean that I'm a hooker, lahat ng taong lumalapit sa akin ay gusto ko na. Hindi Heimlich, hindi ganon yon para sakin." ani ko at hindi ko alam kung bakit ang daming ipalawanag sa kanya gayong hindi na naman dapat.

Aalis na ako, diba?

"I'm sorry." sambit niya muli na ikinatitigil ko. Masyado ng napapadalas ang pagsasambit niya ng sorry, bagay na ikinagugulat at ikinababago ko sa kanya. Bakit siya nagkakaganito?

"Just... just don't do it again." napapikit ako ng mariin dahil nagsisimula na naman ang mga paggapang ng kamay niya'ng humahaplos sa akin.

Lalo pa sa dila nito na pinasadahan pa ang likod ng tainga ko. Lihim akong napadaing sa kiliting dulot na ginagawa niya sa akin.

Bago pa ako mapahalinghing ay nagkaroon ako ng lakas ng itulak siya at mapalayo sa kanya. Ano bang... ginagawa niya!? Hindi niya ba alam na kapag ginagawa niya ito ay nanginginig pati ang matres ko!? Jusmiyo!

"What are you doing?" inis na asik ko sa kanya kahit na mahihimigan pa rin ang panlalambot sa boses ko dahil sa epektong sensyasyong hinahatid niya.

Mapungay ito nakaamang ng tingin sa akin. Kasabay ng pagkurba ng kanyang labi dahil sa pagngisi. Tinititigan ako nito na animo'y parang lasing na lasing.

Nangilabot ako ng matindi. Goosebumps spreading all over my body. At inaamin kong, hindi sa paraang nakaka... diri. Kundi sa paraang nakakahalina pero nang may umultaw sa utak ko ang nasa isip ko ay dagling pinawi ko ang kahibangang nararamdaman ko hanggang mabalik ako sa reyalidad.

"You tell me what I'm doing?" ulit niya sa tanong ko, umarko lalo ang labi nito sa pagngisi, lalong namungay ang mga mata nito. Mga matang nakakadala dahil sa kakaibang kulay at kanyang aristokratong itsura."I'm kissing you, mi adelaide. Why? Hindi na ba ako ganun kagaling humalik para ayawan mo? I thought you like me, being a kissing monster with you, hm? Ayaw mo ba talaga sa... labi ko?"

Napailing ako. "Of course, I want---I-I mean," sinadya kong kinunot ang noo ko at marahas na tumikhim para ipakitang hindi ako naaakit sa kanya! Mataray ko siyang tiningnan. "No. Don't do that again. " biglang pambabanta ko sa kanya.

Shit. Parang ang sarap bawiin at sabihin 'sige halikan mo pa ako hanggang sa mapaltos ang nguso ko.' Damn it! Tigil-tigilan mo na itong naiisip mo, Phryne at baka kung saan pa mapunta! Huwag kang marupokpok!

"And why?"napataas siya ng kilay na para bang may mali na sa tingin niyang tama ang ginagawa niya gayong.. hindi. Mali talaga.

"Because..." I bit my lower lip. Tila ba ay biglang nawala ang sasabihin ko. "Because I'm still leaving!" kailangan kong magmatigas, ayoko ng magpadala sa kanya!

Kahit na gwapo siya, hindi dapat ako bibigay! Hinding-hindi! Akala niya ba, huh! Hindi na ako bata na ganun na lang mauuto at madadala niya! Malaki ako, may pagkamatangkad rin, malakas ang pangangatawan. Maliksi din ako kumilos. Kung pagtatangkaan niya akong ipilit ay kayang-kaya ko siya!

Wag ko lang matitigan ang pagmumukha niya!

"I told you, don't leave." kumukuyom ang pangang anito kahit na hindi na ganun katigas ang boses nito tulad kanina.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon